[Filipino] USASC-USAAS-USAAC-USAAF-USAF Mga Serye ng Numero ng mga eroplano ng Militar—mula 1908 hanggang sa Kasalukuyan

Noong Agosto 1, 1907, ang Dibisyong pang Himpapawid (ng United States Army Signal Corps ay naitatag, at binili ng hukbo ng Estados Unidos ang kanilang kauna-unahanag mas mabigat-pa-sa-hangin na sasakyang panghimpapawid, ang Wright Model A, noong 1908. Nilaan dito ang seryeng numero na 1. Ang mga karagdagang sasakyang himpapawid ng hukbo ay nabigyan din ng seryeng numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang pagkabili. Sa kasamaang palad, hindi pa kumpleto ang mga tala noong panahon na ito kaya maraming puwang at mga pagkakasalungat. Dumagdag pa sa pagkakalito ang pagbibigay ng bagong numero sa mga eroplanong ginawa muli mula simula. Mayo ibang sasakyang panghimpapawid (halimbawa, ang DH-4 “Liberty Plane”) na nabigyan ng hanggang apat na numero habang ito ay nagagamit pa. Pagkatapos ng ilang panahon, nagpalabas ng panibagong mga seryeng numero—ang 200 na block ay nakareserba sa mga seaplane, ang 40000 na block ay para sa eroplanong pinageeksperimentuhan pa lamang at ang 94000 block ay para sa mga prototype at mga eroplanong nasa ilalim pa ng pagsusuri.

Ang kilalang pangalan ng Army Aeronautical Division ay nabago at naging United States Army Air Service (USAAS) noong Mayoo 14, 1918. Ang pagkakasunod-sunod na mga seryo ng numero ay nagpatuloy hanggang sa dulo ng Taong Piskal (US Fiscal Year) (FY) ng 1921 (noong Hunyo 30, 1921). Noong panahon na yun, umabot ang seryeng numero hanggang 69492, dadag pa rito ang espesyal na tipak ng 1919-1921 na experimentong pagkuha sa saklaw ng 94022/94112.

Sa simula ng Hulyo 1, 1921 (simula ng FY 1922) nagkaroon ng bagong sistema ng pagseseryo base sa pagkuha sa bawat Fiscal Year. Ang bawat seryeng numero ngayon ay binubuo ng mga base number na nakaayon sa huling dalawang numero ng FY kung saan ang perang nakalaan para sa pag-gawa ng eroplano, at ang pagkakasunod-sunod na nakabase sa panahon ng pagbili sa naturang FY. Halimbawa, ang airplane 22-1 ay ang unang eroplanong binili nung FY 1922, 23-1 ang unang halimbawa na binili noong FY 1923, etc. Ang sistemang ito’y ginagamit parin sa kasalukuyan.

Mahalaga ng malaman na ang seryeng numero ay nakabase sa Taong Piskal kung kailan unang inorder ang eroplano, HINDI kung kailan eto naipadala. Sa panahon ngayon, ang pinagkaiba ng oras ng pag-order at oras ng padala ay maaaring Mayo agwat na maraming taon.

Noong Hulyo 2, 1926, ang pangalan ng Army Air Service ay nabago at naging United States Army Air Corps (USAAC). Noong Hunyo 20, 1941, nabago muli ang pangalan ng USAAC at naging United States Army Air Force (USAAF). Noong Septiyembre 18, 1947, ang United States Army Air Force ay humiwalay mula US Army at naging magkaibang sektor, ang United States Air Force. Sa lahat ng mga pagbabago, ang naunang systema na nakabase sa taong-piskal ay hindi parin nabago.

Noong 1947, halos kasabay ng pagbuo ng USAF, ang DOD regulation 5304.9003 ay naitalaga na dapat mayroong 3 numero ang bawat sekwensyang numero. Ang ibig sabihin nito ay ang seryeng numero na nakabase sa taong piscal na Mayo numerong na hindi hihigit sa 100 ay dinadagdagan ng zero upang maging 3 numero ang haba nito. Kaya ang 48-1 ay ngayon nakasulat na bilang 48-001 sa mga opisyal na pagdodokumento. Ang mga sekwensyang numero na higit pa sa 9999 ay isinusulat bilang 5 numero. Noong 1958, ang pinakamaliit na numero sa sekwensyang numero ay nadagdagan sa bilang na 4, upang ang mga 1958 na eroplano ay makapagsimula sa 58-0001.

Lend-Lease

Kasunod ng pagpasa ng Lend-Lease Act ng 1941, ang seryeng numero ng USAAF ay naibigay sa mga eroplanong gawa ng US na ginawa para sa serbisyo ng Allied air forces noong Pangalawang Mundong Pandigmaan. Ginawa ito para lamang sa administratibong layunin, kahit na ang mga eroplanong ito ay hindi ginawa para serbisyong pang-USAAF. Noong Cold War, ang mga eroplanong sinuplay para sa US allies sa ilalim ng Mutual Aid program o ang Mutual Defense Assistance Program ay nabigyan ng seryeng numero pang USAF para layuning pangtalaan lamang kahit hindi sila nag serbisyo sa USAF.

Hindi lahat ng eroplanong nag serbisyo kasama ng US Army Air Force ay nabigyan ng USAAF seryeng numero. Magandang halimbawa ang eroplanong nakuha sa ibang bansa ng US Army noong Pangalawang Mundong Digmaan. Kadalasan, sila ay gumagamit ng kani-kanilang mga designasyon at mga serye. Halimbawa, ang Spitfire na nakuha sa UK sa ilalim ng “Reverse Lend-Lease” ay nag-opera sa ilalim ng British na designasyon at kanilang British na seryeng numero. Ang ibang gawang US na eroplano na inorder ng Britain bago ang Lend-Lease ngunit ay naimpress ng USAAF service ay mayroon paring pangalan na dating nakadesignate sa kanila.

Mga Eroplanong inayos muli

Paminsan-minsan, Mayroong USAF na eroplano na sobrang binago ang pagkakagawa upang makasabay sa modernong sitwasyon at magampanan ang kanilang bagong papel kung saan sila ay hindi orihinal na nakatalaga. Sa kadalasan, nabibigyan ng bagong seryeng numero ang mga eroplanong ito na may kaugnay sa kung anong taon sila muling ginawa. Ngunit, ang batas na ito ay hindi palagiang nasusunod.

Eroplanong pamana ng Navy

Ang US Navy at ang US Marine Corps ay meron magkaibang seryeng pagnunumero base sa pagtaas na numerong binigay ng Bureau of Aeronautics. Minsan, may eroplanong naipapasa mula Navy papuntang USAF. Kapag ang paglipat ay inaasam na maging permanente, nabibigyan ng USAF seryeng pangnumer ang eroplano. Madalas, ang mga USAF na seryo ng mga nailipat na mga eroplano ay nilalagay kasama sa regular na pagkakasunod-sunod ng mga numero, ngunit minsan itong mga USAF na seryo ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga numero sa dulo ng numero block para taong piscal kung kailan sila orihinal ng inorder ng Navy. Ang mga eroplanong pansamantalang nailipat sa USAF mula sa Navy ay kadalasan na hindi nababago ang kanilang numero kahit napinturahan na sila ng kulay ng USAF. Sa kasamaang palad, ang sistemang ito ay hindi naalinsunod.

Eksepsyon sa Patakaran

Sa mga kasalukuyang taon, ang pagtatalaga ng seryeng pangnumero ng USAF ay hindi naman palagiang strikto sa pagkakasunod-sunod sa naturang FY. Ang isang eroplano ay minsang naililista sa FY block na iba sa kung kailan ito talaga naiorder. Ito ay ginagawa sa kadahilanang upang mapadali ang gawain. Halimbawa, ang mga numero ng dalawang “Air Force One” VC-137 (62-6000 at 72-2000) ay nagpapahiwatig na inorder sila na may 10 taon na pagitan sa isat-isa pero sa totoo ay 7 taon lamang. Ang Presidential VC-25 ay inorder sa FY 1986 sa ilalim ng seryo ng 86-8800 at 86-8900 ngunit ang mga numero ay nabago sa 82-8000 at 92-9000 dahil sa isang espesyal na order upang makagawa ng seryo na sumusunod sa dalawang naunang VC-137C. Kapag may eroplanong pangsibilyan ang nakuha ng USAF, sa pamamagitan man ng pagbili or pagangkin, ang seryeng numero ay minsan naibibigay ng wala sa pagkakasunod-sunod sa pag-iisip na ang mga numero ay pinili na sang-ayon sa dating numero neto. Minsan ang pagbibigay ng mga seryeng numero ay ginagawa ng sikreto upang maitago ang pribadong impormasyon ng eroplano. Halimbawa, ang seryeng numero ng F-117 ay sa una binigyan ng striktong numero, ngunit ikinalat sa ibat-ibang taong piskal. Sa ibang kaso naman, ang mga seryo numero ay kinuha mula sa numero ng mula sa tagagawa imbis na sa tunay na pagkakasunod-sunod nito base sa pagkabili. Isa pang halimbawa ay ang A-1 Skyraiders na nakuha mula sa Navy para Vietnam—Meron silang USAF na numero na ginawa na nakamit mula sa numero mula nung ito ay nasa Navy pa at inunlapi dito ang taon kung kailan ito inorder ng Navy. Ang halimbawa nito ay ang A-1E Skyraider BuNo 132890 na naging 52-132890 sa USAF.

Missile at mga Drones

Noong 1950 at 1960, komon na gawain na isama ang missile at mga unmanned aircraft sa seryeng numero ng USAF. Dahil dito, di palagi posible na malaman ang total na bilang ng sasakyang panghimapapawid na inorder ng USAF gamit lamang ang mga numero nakatatak sa mga ito.

Sasakyang panghimpapawid ng Army

Kasunod ng paghihiwalay ng USAF sa US Army, ang Army ay nagpatuloy sa paggamit ng nakasanayang sistema sa pagnunumero sa kanilang mga eroplano. Noong simula ng taong piskal ng 1967, nagsimula ang Army na gumamit ng numero na nagsisimula sa 15000 kada simula ng taong piskal, kaya madaling makilala ang mga sasakyang panghimpapawid ng Army kumpara sa USAF dahil sa mataas ng bilang ng kanilang numero. Sa taong piskal ng 1971, ang Army ay lumagpas na papunta sa panibagong pagnunumero para sakanilang mga helicopter, na nagsimula sa 20000 at nagpatuloy mula noon. Sa bawat pagdaan ng taong piskal, ang numero ng US Army ay patuloy na nadagdagan kumpara sa USAF kaya walang dahilan para magkapatong ang kanilang mga numero.

Pagpapakita ng Seryeng numero sa mga sasakyang panghimpapawid

Noong 1914, nang magsimula ang Army na makakuha ng tractor-engine na eroplano, ang opisyal na seryeng numero ay nagsimula maipintura sa malalaking kasulatan sa parehong bahagi eroplano. Ito’y napakalaki kaya madali itong makita kahit sa malayo. Sa pagpasok ng Estados Unidos sa Unang Digmaang Pangdaigdig, naiwan ang mga malalaking numero at minsan ay dinadagdag sa itaas ng puting stripe ng rudder. Sa simula ng 1918, ang mga letrang “S.C”(“Signal Corps”) ay madalas na naipipinta bago ang numero na nakasulat. Nung nagawa ang Army Air Service noong Mayo ng 1918, ang mga letrang SC ay napalitang ng “A.S”(“Air Service”). Noong Hulyo ng 1926, ang Army Air Service ay napangalanan na Army Air Corps, at ang mga letra bago seryeng numero aya naging “A.C” para sa “Air Corps”. Ngunit, hindi parte ang mga letrang ito sa opisyal na seryeng numero at natanggal rin noong 1932.

Sa katapusan nag 1924, ang seryeng numero sa gilid ng eroplano ay lumiit hanggang naging pamatayan na ang apat na pulgadang pigura sa gilid ng mga eroplano. Nung 1926, ang mga salitanng “U.S. Army” ay madalas na naidadagdag sa numero ng fuselage, at noong 1928 ang pangalan ng tagagawa ng eroplano at ang designasyon ng Army ay naidagdag narin sa disenyo, ngunit ito’y minsan lang.

Nabawasan ang mga titik ng isang pulgada na lamang noong 1932 at nilagay sa kaliwang bahagi ng fuselage malapit sa cockpit. Tinawag itong Technical Data Block (TDB). Makikita dito ang buong seryeng numero kasama narin ang model type at minsan ang base ng eroplano o ang sangay ng militar kung saan ito ginagamit. Sa TDB na lamang makikita ang seryeng numero sa eroplano.

Ang Technical Data Block ay ginagamit parin hanggang ngayon at tinatawag ng Aircraft Data Legend, at noong simula ng 1990 ay nabawasan na lamang ang laki nito ng kalahating pulgada na lamang at binago ang posisyon nito malapit sa ground refuelling receptacle. Ayon sa T.O 1-1-4, ang TDB ay maaaring nasa bahagi ng fuselage or malapit sa ground fuelling receptacle.

Sa mga taon noong katapusan 1940 at simula ng 1950, ang seryeng numerong nakikita sa Technical Data Block ay madalas nagdadala ng hulaping letra, na hindi talaga parte ng opisyal na mga numero. Limang letra ang ginagamit – A para sa US Air Force, G para sa US Army, N para sa Air National Guard, R para sa Air Force Reserve, at T para sa Reserve Officers Training Course (ROTC). Ginamit panandalian ang letrang M ng USAF Aircraf na kaugnay ng Embahada ng Amerika sa mga dayuhan na bansa, ngunit ang paggamit nito ay hininto noong Agosto ng 1955.

Ang kakulangan sa mga numerong madaling basahin sa mga eroplano ng Army ay naging seryosong problema, at noong Oktubre 28. 1941, ilang sandali pagkatapos mabuo ang USAAF, isang kautusan ang binigay na dapat ang mga numero na may bilang na kulang pa sa 4 ng bilang ay ipipinta sa buntot ng lahat ng eroplano ng Army sa laking tama lang para makita mula sa layong 150 na yarda. Opisyal itong tinawag na radio call number, ngunit malawang kilala bilang tail number. Dahil hindi inaasahan na magtatagal ng sampung taon ang mga eroplanong pangmilitar, ang mga unang numero ng bawat taong piskal ay tinaggal sa tail number pati narin ang AC at ang gitling. Halimbawa nito ay ang Curtiss P-40B seryeng numero na 41-5205 na mayroong tail nunmber na 15205, ang Curtis P-40K seryeng numero na 42-11125 na mayroong tail number na 211125 sa palikpik nito, at ang P-51B 42-106559 na may 2106559 nakapinta sa kanyang buntot. Dahil ang Army (kasunod ay ang Air Force) ay ginamit ang huling apat na numero ng tail number bilang pangtawag sa radyo, ang tail number ay ipinalawak sa 4 na numero sa pagdagdag ng zero sa harapan ng mga numero. Halimbawa nito ay ang 41-38 na may tail number na 1038.

Para sa isang eroplano ng Pangalawang Digmaan Pandaigdig kung saan nakikita ang numero sa buntot, mahuhulo mo ang seryeng numero pagdadagdag ng gitling pagkatapos ng unang numero, na may unlapi na 4, at mayroonn ka ng seryeng numero. Sa kasamaang palad, maraming paglilihis ang nangyari pagdating sa batas na ito—may ibang halimbawa na ang huling apat o limang numbero ay nakapinta sa buntot, na nagsasanhi ng kahirapan sa pagkilala sa mga sasakyang panghimpapawid.

Noong 1950, may mga eroplanong mula sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang nasa serbisyo parin at nahigitan na ang inaasahang tagal ng serbisyo nito na sampung taon. Upang maiwasan ang pagkakalito sa mga sumunod na eroplano na nabigyan ng kaparehong numero sa buntot, dinagdagan ng zero at gitlinng sa simulan ng numero na nagpapahiwatig na sila ay 10 taon gulang na. Inasahan na makakaiwas na ito sa pagkakalito na sanhi ng paggaya-gaya ng mga numerong nasa buntot sa pagitan ng dalawang sasakyang panghimpapawid na ginawa na may agwat na sampung taon sa isat-isa. Ngunit, hindi ito palaging ginagawa, at hindi palagiang posible na makilalang mabuti ang mga sasakyang panghimpapawid gamit ang kanyang numero sa buntot. Itinigil rin ang ganitong gawain nang magsimula tukuyin ng mga tao ang numero 0 bilang letrang O, na ibig sabihin ay Obsolete. Ang pangangailangan sa 0 na unlapi ay opisyal ng itinigil noong Abril 24, 1972.

Sa mga taon mula katapusan ng 1940 at simula ng 1950, ang mga seryeng numerong nakikita sa Technical Data Block ay madalas nag dadala ng hulaping letra na hindi parte ng opisyal na seryeng numero. Limang letra ang ginamit – A para sa US Air Force, G para sa US Army, N para sa Air National Guard, R para sa Air Force Reserve, at T para sa Reserve Officers Course (ROTC)

Noong 1958, isang regulasyon ang nagsasabi na ang mga numerong pangbuntot ay dapat pahabain ng hindi kukulang 5 numero sa haba. Minsan ay napuputol ang habang ng numero sa buntot na nagsasanhi ng pagtanggal ng sa numero ng Taong Piskal – halimbawa ay 64-14841 ay magiging 14841. Minsan, isa o maraming sa mga naunang numero ng sekwensya ay matatanggal rin. Nagsanhi ito ng sobrang pagkakalito.

Ang Pagbabalatkayuan (Camouflage) ay nagsimulang magpakita sa mga sasakyang panghimpapawid ng USAF noong panahon ng Vietnam War, at nagsanhi ito ng pagbabago sa numero sa buntot. Ang mga letrang “AF” ay dinagdag direkta sa ibabaw ng hulinng dalawng numero ng taong piskal, na sinusundang ng huling tatlong numero ng sekwensyang numero. Ang tatlong numerong haba na sekwensyang numero ay may taas na katulad ng pinagsamang AF at letra ng taong piskal at minang tinawag na “malaking” bahagi ng numerong pangbuntot. Halimbawa, ang F-4E na may seryeng numero na 67-0288 ay my numerong pangbuntot na 67(maliit) 288(malaki). Malamang, ito ay magsasanhi sa pagkakalito, dahil ang aircraft 67-1288, 67-2288, etc ay magkakaroon ng pagkakapareho sa kanilang numerong pangbuntot bilang 67-0288. Hindi naman ito masyadong makakaapekto maliban kung ang mga malalaking seryeng numero ay parte rin ng F-4E (kung saan sila ay hindi naman parte). Sa kasamaang palad, hindi naging pare-pareho ang sistemang ito—halimbawa ang F-4D na may seryeng numero na 66-0234 ay may numerong pangbuntot na: 60(maliit) 234(malaki). Nakukuha itong numerong it sa pagtatanggal ng unang numero ng piskal at pinagsama sa natirang “6” sa “0234”. Dahil dito, kinakailangang ng malawang kaalaman upang makuha ang seryeng numero mula sa kaalaman ng kanyang numerong pangbuntot, at kaalaman din sa mga ibat-ibang klase ng sasakyang panghimpapawid at minsan ay kinakailangan rin alamin ang bersyon. Pahahalagahan ko ang kunng sino man ang may ibang tala ukol sa mga kasalukuyang sasakyang panghimpapawid ng USAF.

Subalit, ang Air Mobility Command at ang USAF Europe aircraft ay nagpapakita parin ng lumang pormat para sakinalang numerong pangbuntot kung saan lahat ng numero ay pare-pareho ang laki at ang unang numero ay ang hulling numero ng Taong Piskal at ang natitirang apat ng numero ay ang 4 na numero ng numerong sekwensyal. Makikita lamang ang command ilang talampakan sa itaas ng AF na di na nakikita. Ang regulasyon ng AMC ay nagsasabi na ang numerong pangbuntot ay ang huling limang numero dapat ng seryeng numero. Kapag wala ang limang importante nmero sa dulo, ang huling numero ng taong piskal ang magiging unang numero, at ginagamitan ng mga zero para punan ang kulang upang makabuo ng limang numero. Ang 58-0001 ay magiging 80001. Ang Technical Order ay tumutukoy sa mga radio call number sa palikpik, at ang buong seryeng numero ay lumalabas lamang sa hanay ng Aircraft Data Legend block. Sa bihirang pagkakataon na bumili ang Air Force ng 10,000 sasakyang panghimpapawid sa isang taong piskal (ito ay noong 1964), ang mga eroplanong may numerong higit pa sa 10,000 ay tinatanggalan na ng numero ng taong piskal—halimbawa nito ay ang numerong pangbuntot ng 64-14840 ay naging 14840, hindi 44840. Isang eksepsyon ay ang numerong pangbuntot ng EC-130H na may seryeng numero na 73-1583, na may numerong pangbuntot na EC-130H seryeng numero na 73-1583, kung saan nakapaskil ang kanyang numerong buntot bilang 731583, i.e., ang buong seryeng numero na walang gitling.

Buzz Number

Sa mga taong kasunod ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga sasakyang panghimpapawid ng USAAF/USAF ay gumamit ng mga marka na nagbigay posibilidad na makilala ang mga mababang-lipad na mga eroplano mula sa lupa. Sinadya ito upang idismaya ang hindi ligtas na pamamaraan ng mga piloto ng mga high-performance na eroplano na magpalipad ng mababa (kilala rin bilang “buzzing”) sa ibabaw ng mga ground points. Dahil dito, kinilala ang mga numerong itong bilang buzz numbers.

Ang sistemang ito ay gumagamit ng dalawang letra and tatlong numero, nakapinta ng napakalaking hanggat posible sa bawat gilid ng fuselage and sa ilalaim ng kaliwang pakpak. Ang dalawang letrang kowd ay pagkakakilanlan ng tipo at mowdel ng eroplano at ang tatlong numero ay naglalaman ng huling tatlong numero ng seryeng numero. Halimbawa, lahat ng fighters ay makikilala sa letrang P(nabago na sa F), at ang pangalawang letra ay ang pagkakakilanlan ng fighter type. Halibawa, ang buzz number kowd para sa F-86 Sabre ay FU, para sa F-100 Super Sabre ito ay FW. At ang buzz number para sa F-100A 53-1551 ay FW-511, ang buzz number para sa F-86D 53-1020 ay FU-020.

Kung minsan, dalawang eroplano na may parehong uri at modelo ay may kaparehong huling tatlong numero sa kanilang seryeng numero. Kapag ito’y nagnyare, makikilala ang dalawang eroplano sa pamamagitan ng pagdagdag ng hulapi na letrang A sa buzz number ng nahuling eroplano, pinangunugnahan ng gitling.

Iba sa mga stateside na eroplano noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay mayroong malalaking code numbers sa kanilang gilid, ngunit di ko alam kung intensyon ng mga ito ay bilang mga “buzz numbers” dinn.

Ang sistemang ito ay malawakang ginamit noong 1950, ngunit natigil rin noong 1960. Tinanggal ng edisyon ng Enero 1965 ng Technical Order 1-1-4 ang pangangailangan ng kahit anong buzz number kaya karamihan sa mga ito ay napinturahan na at nawala na halos pagdating ng gitna ng 1965.

Seryeng numero ng Hukbo(Army)

Pagkatapos kumalas ng United States Army Air Force mula sa US Army at naging hiwalay na serbisyo, ang United States Air Force noong Septiyembre 18, 1947, ang parehong Army at ang Airforce ay nagpatuloy sa paggamit ng parehong seryeng numero para sakanilang mga eroplano. Ang serye ng eroplano ng Army ay tuloy-tuloy na nakahalo sa serye ng Air Force, na walang bakante or lagpas.

Ngunit noong 1966, ang Army ay nagsimula gumamit ng limang numerong haba ng sekwensyang numero na mas malaki pa sa kahit anong sekwensyang numero na gamit ng USAF, upang hindi malito ang mga tagamasid sa dalawang magkaibang sektor. At saka ang Army sequence na mga numero na naibigay sa mga Air Force na sekwensya ay nilalagyan ng karagdagang zero upang maging lima ang bilang ng mga numero. Subalit, may pagkakalito-lito dahil ang sistemang ito ay hindi palagiang nasusunod. Kahit gumait na ang Army ng limang-numerong seryeng numero simula noong 1964, may pakakahalo-halo parin ng apat o limang numero ang ginagamit talaga.

Para sa mga numerong pangbuntot (para sa mga numero ng pylon para sa mga elikoptero), naging pare-pareho ang pag sunod sa gamit na ang huling numero ng taong piskal at apat na numero lang ng seryeng numero lamang ang makikita. Nang simulang gamitin ang limang numerong haba ng mga seryeng numero, may halo-halong presentasyon ng numerong pangbuntot ng limang numero na walang taon (minsan nagsisimula sa zero) at mga presentasyon na kung saan ang huling numeron ng taon ay ipinapakita, kasama ang lahat ng limang sekwensyang numero. Minsan, parehong numero ng taon ay pinapatungan ng pintura at natitira na lamang ang limang-numerong haba ng sekwensya ang pinepresenta. Minsan, ang helicopter ng Army ay gumagamit ng huling tatlong numero para sa sekwensyang numero bilang call sign at kadalasang makikita ang tatlong numeron at iyon na nakapinto sa banda harapan, sa gilid ng bintana o naka-highlight sa mismong pylon. Mayroon ding mga lumang eroplano na mayroon ang dalawang numero ng taon at ang buong limang numero ng seryeng numero na makikita. (Ref, Nick Van Valkenburgh, Hul 26, 2013)

Noong 1971, ang Army ay nagsimulang gumamit ng sekwensyang numero na nagsisimula sa 20000, at ang mga numerong ito ay hindi nauulit sa bawat taong piskal na sumunod.

Sa pagsusulat, ang mga naunang zero ay palaging tinatanggal. Di malinaw kung kailan ba talaga nagsimula ang pagdadagdag ng zero. Mukhang ang Army ay patuloy parin sa paggamit ng parehong sistema para sa kanilang mga seryeng numero ng mga eroplano, kung saan ang isa ay mas mataas ang bilang sa gamit ng USAF, at ang mga mabababang sekwensya ay dindagdagan ng zero. (Ref, Nick Van Valkenburgh, Jul 26, 2013)

Ang mga Boneyards

Ang ultimong katapusan ng karamihan sa mga sasakyang panghimpapawid ng USAF at US Army at mga helicopter kapag natapos na ang kanilang serbisyo ay ang boneyards sa may Davis-Monthan AFB malapit sa Tucson, Arizona. Sa katapusan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig, ang base ay napili bilang lalagyan ng mga di na ginagamit ng mga eroplano ng militar. Ang tuyong klima ng Tucson ay nakatutulong para pagpreserba ng mga eroplano. Minsan ay binabalik sa aktibong serbisyo ang mga sobrang DoD at Coast Guard na eroplano na nakatago dito biang remote-controlled na drone o binebenta sa mga dayuhan na gobyerno ngunit kadalasan ay kinukahanan ang mga ito ng piyesa para sa mga bagong eroplano.

Unang nakilala bilang Miltary Aircraft Storage and Disposal Center (MASDC), nabago ang pangalan nito noong Oktubre ng 1985 ng Aerospace Maintenance and Regeneration Center (AMARC). Ang AMARC ay opisyal na na-redesignate noong Mayo 2, 2007 bilang pang-309 na Aerospace Maintenance and Regeneration Group (AMARG), pero ginagamit parin nito ang titulong AMARC dahil mas kilala sila dito.

Kapag may pumasok na sasakyang panghimpapawid sa AMARG, nabibigyan it ng code number (kilala bilang Production Control Number o PCN) na naglalaman ng apat na letra, kasunod ng tatlong numero. Ang unang dalawang letra ay para sa serbisyong pinagmulan (AA para sa Air Force, AN para sa NAVY, AC para Coast Guard, AX para sa government agency na eroplaano, AY para sa foreign allied na eroplano). Ang pangalang pares ng letra ay para sa uri ng sasakyang panghimpapawid (halimbawa. FP para sa F-4 Phantom), at ang tatlong numero ay para sa pagkakasunod-sunod na pagpasok ng eroplano sa AMARG. Halimbawa, ang unang F-4 na pinasok sa AMARC ay mabibigyan ng numerong AAFP001, na may dalawang zero sa upang maging tatlo ang mga numero. Kaya ang PCN ay naging mahalaga sa pagkilala kung sino ang may-ari ng eroplano, kung anong klase ito, at kung kailan ito dumating sa AMARG.

Bago ang Okt 1994, ang bilang ng PCN code ay nasa tatlong numero, ngunit napagtanto ng AMARC na magkakaroon na sila ng higit pa sa 1000 na F-4 sa imbentaryo at napagdesiyunan nila na kinakailangan na palakihin ang pormat ng pag nunumero nila para sa pagtanggap ng mga bagong darating na mga Phantom. Kaya ang RF-4C 64-1021 ay nabigyan ng numero na AAFP969 noong Okt 19, 1994 at ang susunod na dating na 64-1068 ay nabigyan ng numero na AAFP0970 sa kaparehonng araw. Lahat ng sumunod na F-4 ay nabigyan ng numero na may apat na numero na istilo.

Nakadagdag pa sa pagkalito ang pagkakaroon ng mga eroplano ng maraming PCN kapag bumalik sa pasilidad ng maraming beses – halimbawa – ang eroplano na pumasok sa AMARG para sa service life extension. Ibabalik muli it sa kanyang operational fleet. Sa kanyang serbisyo. Kapag napagtanto ng tagapamahala (operator) na ang lahat ng eroplano ng ganito klase ay kailangan ipasuri, ang eroplano ay babalik sa 309 AMARG para sa pagsusuri para menor nagpagsasaayos. Sa pagdating, magkakarron ito ng pangalawang bagong PCN. Sa pagtatapos ng pagpapaayos, ibabalik na ito sa tagapamahala. Sa huli ang mga tagapamahala ang bahala kung pwede pa sa serbisyo ang eroplano or ito ay itatago na sa storage facility, kung saan mabibigyan muli ng pangatlong bagong PCN. Kapag nangyari na bumalik muli ito sa serbisyo, mabibigyan na it ng pang apat ng panibagong PCN. (Ref: Robert D. Raine, Jun 27, 2013)

Ang isang sasakyang panghimpapawid ay pwede ring mabigyan ng ibang PCN kapag ito’y nalipat dahil sa administratibo sa ibang serbisyo habang ito ay nasa boneyards. Halimbawa – ang AMARG ay kasalukuyang mayroong C-131 na nakatago na orihinal na dumating na pagmamay-ari ng Navy (at mayroong Navy PCN). Ang eroplanong nailipat muna sa Navy papuntang Air Force (kaya ang Navy na PCN ay mapapalitann ng Air Force na PCN). Ililipat naman ito ng USAF sa isa pang sangay ng gobyerno. Kaya ang USAF na PCN ay matatanggal at mapapalitan ng PCN ng U.S. Gov’t agency na nagsisimula sa letra “AX”. Parehong eroplano ngunit may tatlong magkakaibang PCN. (Ref: Robert D. Raine, Jun 27, 2013)

Kasalukuyan, ang AMARG ay nagpakilala ng bagong sistema sa kompyuter and nag desiyon na wag na magbigay ng mga PCN kapag may dumarating na sasakyang panghimpapawid sa pasilidad. Lahat ngayon ay nasusundan na gamit ang kanya-kanyang seryeng numero dahil walang dalawang eroplano ang may parehong numero. Hindi na tinaggal ang mga PCN sa mga lumang eroplano at hindi narin nabigyan ng panibagong PCN ang mga dumarating na baong eroplano. (Ref: Robert D. Raine, Jun 27, 2013).

Isang listahan ng seryeng umero ng mga sasakyang panghimpapawid na nilipat sa MASDC/AMARC ay makikita sa website ng www.amarcexperience.com.

Seryeng Numero ng Tagagawa (Manufacturer)

Ang kumpanyang gumawa ng isang eroplano ay siya ring tagabigay ng tinatawag na manufacturer’s serial number. Itong numerong ito ang kadalasan na makikita sa eroplano na nakapaskil kung saan man sa loob ng eroplano. Kapag ang eroplano ay naibenta sa Air Force, nabibigyan ito ng seryeng numero pang militar ng Defense Department. Itong dalawang numerong ito ay walang kaugnayan sa isat-isa, subalit nalilito ang iba sa kanilang dalawa. Kapag napunta ang isang eroplano ng militar sa kamay ng sibilyan, nabibigyan ito tinatawag na civil registration number ng civil aviation authority ng may ari. Sa Estados Unidos, ang mga numerong ito ay binibigay ng FAA at kilala bilang N-numbers sa Estados Unidos dahil nagsisimula sila sa letra N. Kadalasan, ang FAA ay gumagamit ng seryeng numero gaaling sa tagagawa ng eroplano upang mahanap ang mga eroplanong ito. Halimbawa, karamihan sa mga C-47 Skytrain na eroplano ay napupunta sa kamay ng sibilyan matapos ang serbisyo nito, at nahahanap ang mga ito gamit ang kani-kanilang mga seryeng numero galing sa tagagawa.

Ulat ng mga Nawawalang Air Crew

Noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig, ang Missing Air Crew Reports (MACR) ay naisulat upang maitala ang mga detalye sa huling pagkakataon ng mga nawawalang Air Crew. Unang pinahintulutan noong Mayo ng 1943, ang mga MACR ay hinahanda ng yunit matapos ang pagkalawa ng aircrew at ibinibigay ito sa punong-tanggapan ng AAF kung saan ito naisaayos. Ang MACR ay nakanumero base sa pagkakasunod-sunod ng pag-isyu. Ang ibang MACR ay naihanda matapos ang giyera. Dagdag pa dito, ang ibang MACR ay hinanda matapos ang giyera upang masakop ang mga pagkalugi bago ang introduksyon ng sistema ng MACR. Ito ang dahlan kung bakit ang pagkawala noong 1942 at 1943 ay may mas maraming bilang ng MACR kumpara noong Mayo ng 1943. Isang listahan ng mga MACR na mga numero kasama dito ang klase ng eroplano, ang yunit ang ang petsa ang makikita sa ArmyAirForces.com of World War II. Buong kopya ng mga MACR ay pwede makuha sa National Archives at National Archives Military Records.

Ang mga sumusunod ay isang listahan ng para sasakyang himpapawid ng US Army at USAF. Di it kumpleto at maraming bakante—mas lalo na sa mga sumunod na taon. Kung alam ko lang ang huling disposisyon ng partikular na eroplano, o kung may kabuluhan ito sa kasayasayan, ang impormasyon na iyon ay ililista ko rin dito.

Magpakasaya ka sa pagtingin sa mga listahang ito—karamihan dito ay may magagandang istorya na kasama. Ang listahang ito ay hindi pa kumpleto at hindi walang mali. Aking pasasalamatan ang sino mang makakakatulong sa pagbigay ng karagdagan impomasyon o mga pagbabago.

Marami ang gusto malamang ang kasaysayang ng pagpapatakbo o ultimong disposisyon ng isang partikular ng sasakyang panghimpapawid na makikita dito sa database na sa kasamaang palad ay kaunti lang o wala talaga akong impormasyon sa mga it. Kung may espesipikong tanong ka tungkol sa kasaysayan na partikular na USAAF/USAF na eroplano, subukan bisitahin ang Air Force Historical Research Agency na makikita sa Maxwell AFB, Alabama. Mayroon silang mga baraha tungkol sa halos lahat ng eroplanong nakuha at nagamit ng USAAC/USAAF/USAF, at mas masasagot nila nang mas mabuti ang iyong mga katanungan. Isa pang bukal ng impormasyon ay ang Individual Aircraft Record Card file na makikita sa National Air and Space Museum Archives Division. Maaari rin nila kayong matulungan. Huwag kayong mahiyang mag-email sakin ng kayo’y aking matulungan.

Search Engine

Kung nais hanapan itong site ng seryeng numero o ng partikular na eroplano, pumunta search engine ni Jeremy Kuris:

Search Engine para sa Site

SourceNa-update noong – 8 Mayo, 2018