[Filipino] Mga Katanungan ukol sa IrfanView

Q: Mayroon bang direct download link para sa IrfanView at mga Plugins?
A: Oo, ang mga links ay matagal ng pwedeng gamitin sa aking website

Para sa IrfanView: tingnan ang IrfanView website: Other Download Sites at i-scroll hanggang sa dulo ng pahina o kaya pumindot dito.
Para sa mga Plugins: Tingnan ang Plugins na pahina , Alternatibong link.
Mga importanteng impormasyon:
1) Mag-ingat sa pag-download ng IrfanView sa mga sites na hindi nakalista sa Downloads page.
2) Mayroong mga sites na gumagamit ng pasadya/hindi pamilyar na mga downloader na maaaring may malware na kasama o di kaya naman ay hingan ka ng bayad para sa (libreng) download.
3) Ang mga orihinal na mga filenames at SHA-checksums ng IrfanView at ng Plugins installer ay makikita sa Downloads page.

Q: Nais kong gumawa ng CD-ROM na may mga imaheng kasamaa at ilagay ang IrfanView sa CD. Paano ko bubuksan ang slideshow ng IrfanView kapag ipinasok ko ang CD sa CD-drive?

A: Maaring kang gumawa ng awtomatikong EXE na slideshow file (nasa slideshow dialog) o kaya naman ay kopyahin ang mga orihinal na files papunta sa CD at gamitin ang TXT na file. Basahin ang pahinang pagtulong (help file page) na “Paano buksan ang slideshow mula sa CD” para sa mga halimbawa.

Q: Pangkaraniwang problema sa mga bidyong files: Tuwing magbubukas ng mga video (AVI, MP4 atbp.), Nakakakuha ako ng mensahe na “Video not available, cannot find XYZ decompressor”!
A: Ang tamang video codec ay hindi naka-install. Maaring tingnan sa site na ito para sa tamang codec.(tingnan sa menu Image->Information para sa codec):
Codec-Guide (i-install ang K-Lite Codec Pack)
Free-Codecs.com
All Codecs and Decompressors
www.FOURCC.org – Video Codec Definitions
VideoHelp.com
Isang magandang codec pack ay ang K-Lite Codec Pack, naglalaman ito ng mga sikat na mga video/audio codecs.

Q: Batch mode: Paano mag-convert/save ng lahat ng input files (kahit galing sa ibat-ibang folders) pabalik sa mga orihinal na mga folders?
A: Ang Batch na dayalogong text field “Output directory for result files” ay naglalaman ng tunay na folder path o placeholder (tingnan sa Help file, Options->Text pattern page).
Gamitin ang $D na placeholder/text sa result directory, na isang placeholder para sa orihinal na file folder.
Mag-ingat, maaari mong palitan lahat ng input files! Maaring pagsamahin ang conversion+rename at iayon ang baong pangalan ng file upang maiwasan ang pagpatongpatong.

Q: Paano bawasan ang laki ng save file mula sa XX hanggang sa YY KB.
A: Sa ngayon, walang madaliang solusyon para diyan. Pasensya..
1. Magbukas ng imahe.
2. Pumunta sa menu Image->Resize/Resample at bawasan ang image dimensions sa pixels.
3. Pumunta sa menu File->Save as, piliinn ang JPG at i-save as new file (tingnan rin ang JPG save options tulad ng: lower JPG quality, uncheck EXIF, etc.).
4. Tingnan ang laki ng file ng bagong file. Kapag malaki parin, ulitin ang mga hakbang gamit ang mas maliit na pixel size o mas mababang kalidad ng imahe..
X. Para sa mararaming imahe, gamitin ang File->Batch Conversion, Advanced options.
PAALALA: Mula version 4.20, ang bagong JPG save option ay pwede na: I-set ang file size.

Q: Problema: Mula kahapon, ang IrfanView ay pinapakita ang aking mga imahe sa itim/puti! Bakit?
A: Ang load opsyon para sa mga JPG “Load as grayscale” sa ‘Properties->JPG/PCD/GIF’ ay nakabukas, maaring it ay i-uncheck!
Paalala: Sa Save dialog, tingnan ang JPG format save options. Ang option na “Save as grayscale” hindi dapat aktibo.

Q: Problema: Ipinapakita ng IrfanView fullscreen mode ang mga maling parte ng imahe sa Windows 10. Bakit?
A: Ang iyong screen DPI value ay hindi 100%. Ang IrfanView ay hindi nag susuporta ng lahat ng DPI scaling features ng Windows 10 sa ngayon. Solusyon: right mouse button click sa IrfanView, Properties, Compatibility. I-activate ang opsyon na “Override high DPI scaling”, gamit ang “Scaling performed by Application”.

Q: Paano gumamit ng JPG lossless na operasyon(Rotation, IPTC, Comment, Rebuild EXIF thumbnail) sa batch mode?
A: Buksan ang Thumbnail window, buksan ang na may JPG, pumili nng maraming JPG at tingnan sa thumbnail menu File for JPG Lossless Operations -> Lossless transformations with selected thumbs. Paalala: Ang auto-rotation ay gumagana lamang kapag ang EXIF orientation tag ay maayos na nai-save (hindi sa top-left).

Q: Mayroon bang portabol IrfanView version (para sa mga USB sticks, CDs atbp.)?
A: Oo. Lahat ng bersyon ng IrfanView ay portable. Maari mong:

1. Kopyahin lahat ng folder ng IrfanView sa USB stick (Copy your existing/installed IrfanView folder to USB stick (nirerekomenda), o kaya
2. Gamitin ang normal na installer at iinstall ang IrfanView sa isang USB stick folder, o kaya naman
3. Gamitin ang ZIP na bersyon at i-unzip sa isang USB stick folder.
(Paalala: Ang ZIP na bersyon ng IrfanView ay laging available sa website. link ibang download sites sa dulo ng pahina).

Q: Paano ko gagawing default viewer ang IrfanView?
A: Buksan ang IrfanView, pumunta sa ‘Properties->Extensions’ at iugnay ang iyong mga types.
PAALALA: Sa mga bagong bersyon ng Windows, kinakailangan buksan ang IrfanView sa ADMIN mode upang mabago ang file associations. Gamiting ang right mouse click sa IrfanView, gamiting ang “Run as admin” menu at i-verify. Kapag hindi parin gumana, gamitin ang system Control Panel: Set default programs/apps.

Q: Problema: Kapag nag-save ako ng mga imahe sa JPG at ini-set ang file size option, Nakakuha ako ng save error na mensahe. Bakit?
A: Wala kang maaabot na kahit anong file size gamitng ang JPG compression. Ang JPG file/image ay hindi maaaring i-save ng mas maliit pa sa JPG file/image na may quality na 1, sa madaling salita may mga limitasyon pagdating sa pinakamaliit na JPG file size. Kapag nag-set ka ng mas maliit na file size ng JPG (na may quality na 1) na lagpas sa kanyang kayang i-compress, makakakuha ka ng error na mensahe. Kung nais mong maabot ang gustong laki ng file, kinakailangan mong i-resize muna ang imahe (bawasan ang image dimension sa menu: Image->Resize) o kaya i-disable ang file size option at i-save gamit lamang ang JPG quality.

Q: Bakit ang RAW ay nag-loload ng matagal. (Camera RAW formats, e.g. CR2)?
A: Depende ito kung anong RAW plugin na option ang ginamit sa ‘Properties->PlugIns’. Ang preview option ay ang pinakamablis, mabilis lang ang kalahating-laki at kapag parehong nakadeactivate: ang full RAW image ay naka-load => sobrang bagal.

Q: Bakit ang ibang edit menus o ang red eye menu ay naka-grey?
A: Karamihan sa mga edit option o ang red eye reduction ay gumagana lamang sa mga seleksyon. Gumawa muna ng isang seleksyon(outline parihaba) sa imahe gamit ang kaliwang mouse button.

Q: Paano i-ayos ang mga litrato ayon sa petsa(date-taken)?
A: Buksan ang Thumbnails window at mag-load ng folder. Tingnan ang thumbnails sort na menu, gamitin ang Sort by EXIF date.

Q: Paano gamitin ang kombersyong pangkat (Batch conversion/rename) upang i-ayos ang mga resulta imahe sa folder na may petsa ng pagkuha(date-taken) sa folder name?
A: Sa Batch dialog, maaaring gamitin ang Placeholders sa pangalan ng output directory. Kapag nag-set ng directory name tulad ng “C:\sortedimages\$E36868(%Y_%m_%d)\”, magkakapag-save ka ng mga resultang files sa folder na may date-taken (format: YYYY_MM_DD) sa folder name, tulad ng “C:\sorted images\2011_06_23\”.

Q: Paano ko magagawang ang pagpangkat na pagbabago ng pangalan (batch rename) ng mga “JPG” files sa “jpg” (lower case extensions)?
A: Sa Batch-Conversion na dialog, gamitin ang rename na disenyo(pattern): $N.jpg (Siguraduhin mayroon ka lamang JPG files na nakaselect o naka-add sa input list).

Q: Paano magdadag ng panglikurang tunog(background sounds) para sa awtomatikong slideshow o EXE/SCR?
A: Sa slideshow na dialog, ilagay ang MP3 files sa slideshow file list, kadalasan sa simula or bago ang imahe. Ang MP3 file ay tutunog hanggang matapos ito o hanggang ang susunod na MP3 file ay magload mula sa listahan. Ang mga IrfanView Pluginns ay dapat naka-install, hanggat maari, ang MP3 Plugin.

Q: Bakit hindi ko mai-scroll ang malaking, naka-zoom (malaki pa sa screen) na imahe sa fullscreen mode gamit ang arrow/page keys?
A: Maaring ang imahe ay di talaga mas malaki sa screen o di kaya ang opsyon na Properties->Browsing/Editing->Jump to next image … ay naka-active, paki-uncheck ito.

Q: Nag-download ako ng IrfanView (o PlugIns) ngunit nang aking buksan, may lumalabas na mensahe na “This is not a valid Win32 application”?
A: Ang mensaheng ito ay nagpapakita para sa mga sira or di kumpletong EXE files, maaring isa itong download error. Maaring ulitin muli ang download o di kaya gumamit ng isa pang mirror o download na lokasyon.

Q: Bakit ang nakasave na JPG ay mas malaki pa sa orihinal ng JPG na file?
A: Ang laki ng JPG file ay nakadepende sa kalidad ng save ng JPG, sa Save dayalogo na opsyon. Ang normal na quality ay 75 o 80. Ang matataas ng halaga ay magreresulta sa malalaki rin na files.

Q: Ang IrfanView ba ay maaring gamitin sa Windows 10/Windows 8/Windows 7/Vista 64 bit?
A: OO, tulad ng 95% ng lahat ng 32 bit na programa.

Q: Paano ako makakagawa ng seleksyon na may eksaktong sukat at tumbasan?
A: Tingnan sa menu: Edit->Create custom crop selection (o sa ibang seleksyon na menu).

Q: Paano ko ihahanda ang mga imahe (pormat 2:3 etc.) para maging tama (walang krapping o puting gilid) kapag ginagamit para sa serbisyon printan (printing service)?
A: Karamihan sa mga printan ay gumagamit ng format na 3:2 o 2:3 (10×15 cm or 4×6 inches) para sa mga litrato.
Kapag ang iyong imahe (halimbawa. Mula sa isang kompak na digital kamera) ay 4:3 or 3:4 (tingnan sa “Image->Info” menu sa IrfanView, Original size ratio), nararapat na i-crop ang iyong imahe sa format na 3:2 o 2:3 at i-print ang na-crop na imahe. Ang mga hakbang:
1. Buksan ang imahe sa (tignan sa “Image->Info”, tingnan kung ang orihinal na laki ay hindi pa 3:2 o 2:3).
2. Pumunta sa menu: “Edit->Create maximized selection”. Para sa landscape na mga imahe, gumamit ng 3:2, at para sa portrait na mga imahe. gamitin ang 2:3.
3. Tingnan ang selection parihaba. Kung nais mong galawin ito, gamitin ang mouse (right mouse button pindutin sa loob ng selection) o gamitin ang arrow keys sa keyboard.
4. Kapag ang seleksyon ay OK, gamitin ang menu: “File->Selection as” (kapareho ng: “Edit->Crop” and then “File->Save-As”) or mas maganda: “Options->JPG Lossless Crop”, para maisave ang napiling imahe.
5. Gamitin ang bagong file para sa pagpapaprint.

Q: Paano i-tatag ang file tuwing nag-babrowsing?
A: Tingnan ang Hotkeys help file page. I-tag a file na may X, I-untag gamit ang SHIFT+X, gamitin ang SHIFT+Q upang maipakita lahat ng tagged na files sa Thumbnails window.

Q: Paano ako maglalagay ng isa pang imahe sa kasalukuyang imahe?
A: Una, kopyahin ang imahe (na dapat ay naka-insert) sa clipboard. Halimbawa: sa isa pang nakabukas na instance ng IrfanView. Ngayon ay buksan ang kanan na imahe, gamitin ang mouse upang mapili ang parihaba(o gamitin ang: Edit->Create custom selection) at kapag ginamit mo na ang: Edit->Paste, ang imahe sa clipboard ay malalagay na sa selection. Sa Properties->Editing, maari mong i-fit o stretch ang naka-paste na image sa selection. Pahiwatig:. Gamitin ang hotkey “CTRL + SHIFT + Mouse click” upang makagawa ng parihaba na selection base sa dimensyon ng clipboard na imahe.

Q: Bakit hindi malinaw ang mga IrfanView Thumbnails?
A: Tingnan sa Thumbnails Windows options menu/dialog. I-deactivate ang opsyon na ‘Load EXIF-Thumbnail for JPGs’.

Q: Kapag binubuksan ko ang IrfanView sa Windows 7, nagtatanong palagi ang sistema sakin na mag-start ito bilang Administrator. Bakit?
A: Maaring may nagset sa program properties na mag-“Run as administrator” (hindi anga IrfanView). I-disable itong option (i-right click ang IrfanView icon/EXE, Properties, tab: Compatibility) at i-run ang IrfanView. Wala dapat naka select na option sa Compatibility tab ng IrfanView.

Q: Paano ko mababago ang mga icon para sa IrfanView asosasyon(association)?
A: Pumunta sa Properties->Extensions (buksan ang IrfanView gamit ang “Run as admin”) at piliin ang Icons na pindutan. Dito ay maseset mo ang ibang icon para sa mga associated file types.

Q: Problema: Ang mga icons sa aking desktop ay mali, ipinapakita ang IrfanView/Firefox/etc. icon. Paano ko ito maaayos?
A: Ito ang kadalasang problema sa mga LNK file association, hindi dahil sa IrfanView. Pumunta sa Google at i-search halimbawa. “LNK association fix”. Makakakita ka ng maraming resulta na nag-oofer ng REG file para sa LNK fix. Eto ang mga sites:
1) LNK fix for Windows 7: http://www.winhelponline.com/blog/file-asso-fixes-for-windows-7/
2) Microsoft Knowledge Base
3) Rebuild Icon Cache in Windows 10 Windows 10 Tutorials
4) Clear and Reset Thumbnail Cache in Windows 10 Windows 10 Tutorials
5) How to Rebuild the Icon Cache in Windows Vista and Windows 7
6) A Utility to Unassociate File Types in Windows 7 and Vista
7) File association fix for Windows 7
8) Default File Type Associations – Restore

Q: Problema: Mula kahapon, ang Irfanview ay nagpapakita ng mga imahe na malabo/nakabatak! Bakit?

Q: Problema: Tuwing mag re-resize o resample ng imahe, hindi nagbabago ang imahe. Bakit?
A: Ang View menu option tulad ng “Fit images to desktop” ay naka-activate (o ang mga similar na view option), paki-uncheck at subukan muli gamit ang isa pang display, halimbawa. 1:1 para sa original size.

Q: Paano mag-extract ng imahe mula sa EXE Slideshow?
A: Buksan ang EXE at pindutin ang F1 para sa help. Gamitin ang letrang E na hotkey para sa extraction.

Q: Paano baguhin ang JPG IPTC/Commend data para sa mararaming imahe (batch mode)?
A: Sa Thumbnails window, mamili ng maraming JPG images/files at gamitin ang menu na JPG Lossless Operations-> Set IPTC data/Comment to selected thumbs. Ang data sa naunang imahe ay maa-apply sa lahat ng files. Ang IPTC dialog ay mayroon pang ibang options.

Q: Lossless ba ang mga JPG editing na opsyon para sa IPTC/Comment?
A: OO, ang imahe mismo ay hindi na-recompress.

Q: Paano ko magagamit ang IrfanView upang iset ang random file mula sa folder/filelist bilang wallpaper?
A: Gamitin ang command line na opsyon: /random at /wall, tingnan ang i_options.txt para sa mga halimbawa.

Q: Paano ko maii-load ang nais na file type tuwing nag-babrowse?

Q: Paano ihiwalay ang specific na file extension (halimbawa. TXT) mula sa pagbrowse ng directory?

Q: Ang IrfanView ay kayang mag-load ng e.g. CR2 files, ngunit ang mga files ay hindi nakikita sa Thumbnail window?
A: Pumunta sa Properties->Extensions, i-edit ang file extensions sa field Load custom file types; tanggalin ang ayaw o magdagdag ng espesyal (ngunit suportado) na extension

Q: Problema: Kapag nagbawas ako ng color depth ng 8 o mababang BPP, ang naka-save na JPG file ay palaging 24 BPP?
A: Pakitandaan na ang JPG ay maari lamang ma-save bilang 24 BPP or 8 BPP sa grayscale na imahe. Ang JPG ay hindi pumpayag na sa iba pang BPP values. Maaaring gumamit lamang ng mga format tulad ng PNG, TIF, BMP, etc.

Q: Paano ko mababago ang desktop icon para sa IrfanView?
A: Isa itong kilalang Windows feature. Mag-right click sa desktop icon, tapos pumunta sa ‘Properties’. Ngayon ay pwede mo nang ma-set ang ninanais mong icon or magtanggal ng hotkey para sa program start.

Q: Paano ako maglo-load ng file types ng WALANG kahit anong extension tuwing browsing?
A: Pumunta sa Properties->Extensions, i-edit ang file extension sa patlang “Load custom file types”; at i-add ang a | sa dulo, upang makagawa ng bakanteng extension entry. Opsyonal: Pumunta sa Properties->File Handling at i-disable ang option na: “Ask to rename if incorrect extension”.

Q: Paano mag-print ng isang parte lamang ng imahe?
A: Gamitin ang kaliwang mouse button upang mapili ang ninanais na parte ng imahe pagkatapos ay gamitin ang Print menu.

Q: Paano mag-load ng PDF files sa IrfanView?
A: I-install ang IrfanView at mga PlugIns. I-Install ang Ghostscript mula dito e.g. dito. Para sa IrfanView 32-bit: kunin ang 32-bit (!) EXE installer, tulad ng “gs921w32.exe”) o ang Ghostscript 64-bit para sa IrfanView 64-bit (tulad ng “gs921w64.exe”).

Q: Paano mag-print ng maraming files (batch print)?
A: Pumunta sa Thumbnails window, maari kang mamili ng maraming imahe/files at gamitin ang menu na “Print selected files as single images”.

Q: Paano ako magdadagdag ng salitang lobo sa isang imahe?
A: Una ay maghanap muna ng bakanteng lobo na imahe, eg. sa mga sites tulad ng : http://openclipart.org/detail/38593 o kaya ng mga katulad na websites (mag-search sa Google para sa “Speech bubble balloon”). Makakakuha ka ng mga magagandang resulta kung may mga lobo kang imahe na naka-save bilang transparent na PNG. Maari mo nang idagdag ang lobo na imahe sa iyong normal na imahe gamit ang menu: Edit->Insert overlay/watermark image. Maari mo nag i-select ang loob ng lobo/text na area at ilagay ang text sa loob ng balloon.

 


Q: Paano buksan ang kasalukuyang IrfanView file sa Windows Explorer?
A: Maari mong tukuyin ang Windows Explorer bilang isa sa mga external na editor (Properties->Misc). Ang tamang command ay: explorer “/n,/select,”%1

 

Q: Paano mag-print ng maraming imahe sa isang pahina?
A: Sa Thumbnails window, gamitin ang menu na “Create contact sheet from selected thumbs”. Ang resultang imahe ay pwede nang mai-print o i-save.

 

Q: Maaari bang gamitin ang IrfanView sa Windows 95 or 98?
A: Ang bersion 4.44 ng IrfanView (at ang mga nakaraan) ay compatible sa lahat ng Win9x- o mga kasalukuyang bersyon ng Windows. Ang Win9x ay ang: Windows 95, 98, 98 SE at Windows ME.

Q: May paraan ba upang makapag-batch scanning ng walang gamit na ADF scanner?
A: Meron, i-uncheck ang option sa menu: File -> Acquire/Batch scanning -> Close TWAIN dialog pagkatapos makuha ang imahe.

Q: Problema: Kapag nagbubukas ako ng AVI, nakakuha ako ng mensaheng “Video not available, cannot find MJPG decompressor”!

A: Paraan 1: Pumunta sa ‘Properties->Video’ at i-activate ang option na: ‘Use DirectShow for playing’.
Paraan 2: Paki-install ang MJPG (Motion JPEG) video codec. Subukan itong sites:
Codec-Guide (i-install K-Lite Codec Pack)
Free-Codecs.com – Download Motion JPEG Codec
Morgan M-JPEG codec
www.FOURCC.org – Video Codec Definitions

Q: Paano ako makakapagbukas ng QuickTime (MOV) files gamit ang IrfanView?
A: Kung nais mong mabuksan lahat ng Quicktime na files: i-install ang Apple QuickTime, install ang IrfanView Plugins. I-Activate ang Quicktime Plugin para sa IrfannView sa Properties->Video/Sound.

 

Q: Bug report: Ayaw mag-save ng setting ng IrfanView! Bakit?
A: May dalawang posibilidad, Una: ang iyong INI (i_view32.ini) na file (o ang buong IrfanView na folder) ay nakaset sa read-only, pakibago ito; panalawa: mayroon kang “smart” washer/restore tools/plugins na nasobrahan sa linis, paki-exclude ang IrfanView files/folder sa mga ito. Maaari mo ring i-redirect ang INI file sa isa pang folder (tingnan ang ibang pang katanungan sa ibaba); posible rin habang nag-iinstall.

 

Q: Problema: Ang Add button sa slideshow/batch na dialog ay ayaw mag-add ng napiling file sa file list.
A: Mayroong “katangian” (feature) ang Windows Explorer: Hide file extensions for known file types. Paki-deactivate itong Explorer option upang maipakita ang mga totoong pangalan ng mga files at ang kanilang mga extensions!

 

Q: Bug report: Ang thumbnail window ay nagsasara kapag marami akong files sa isang folder!
A: Isa itong bug sa Windows 9x/XP (na nasa Windows 7 64 bit => Blue screen, Windows bug), ang pinamataas na bilang ng files sa isang folder ay depende sa iyong system. Subukang ipaghiwahiwalay ang mga files sa ibat-ibang folder.

 

Q: Bug report: Kapag ako ay nagca-capture ng video, bakit itim ang lumalabas sa screen?
A: Subukan i-disable ang video acceleration sa Settings -> Control Panel -> Display -> Troubleshooting, tuwing nag-screenshot. O kaya, magbukas ng isa pang player at itry itong i-capture.

 

Q: Problema: Kapag nagdo-double click ng file na nauugnay sa IrfanView, nakakakuha ako ng mensahe na “Cannot find the file [path] or one of its components”. Anong ang problema?
A: Buksan ang IrfanView, pumunta sa ‘Properties->Extensions’ (buksan ang IrfanView sa Admin mode) at i-associate ang iyong file types muli.

Q: Problema: Ang PDF files na sinave ng IrfanView ay nanghihingi ng password habang naglo-loading. Bakit?
A: Hindi nakaayos ang PDF save settings. Tingnan ang Save-as menu/dialog, PDF format options at i-set: tab General: “No preview needed”; tab Security: uncheck “Activate security”.

 

Q: Bug report: Ang IrfanView ay matagal bumukas sa aking sistema. Bakit?
A: Maaring sanhi nito ng lumang antivirus or iba pang software sa background na nakabukas na nagsasanhi ng mga problema. Tingnan ang iyong sistema.

 

Q: Bug report: Ang screensaver na ginawa gamit ang IrfanView ay nagpapakita ng kaunting imahe at biglang magsasara. Bakit?
A: Ang problemang ito ay sanhi ng isa pang nakabukas na software, na pumapatay sa saver. Pakitingnan ang iyong sistema.

Q: Paano i-Upgrade ang IrfanView: Kinakailangan bang i-uninstall ang lumang bersyon bago mag-install ng bagong bersyon?
A: Hindi. I-Install ang bagong bersyon kapalit ng luma. Pagkatapos i-install, i-refresh ang iyong mga associations/opsyon sa Properties->Extensions.

Q: Maaring ko bang gamitin ang IrfanView sa Linux?

A: Oo. Walang naturang bersyon ng IrfanView para sa Linux. Ngunit, maaari mong magamit ang IrfanView kasama ang mga Linux na programa tulad ng WINE, Windows Linux emulators at mga Linux-based virtual machines. Kunin ang ZIP version ng IrfanView at i-unzip ito o kopyahin sa kasalukuyang Windows IrfanView na folder sa Linux. Mas madali ito sapagkat ang installer na ito ay maaaring mangailangan ng karagdagang Windows DLL upang magbukas. Pakitingnan ng mga instruksiyon sa: IrfanView on Linux with Wine

Q: Maaring ko bang gamitin ang IrfanView sa Mac?
A: Oo, baka. Walang naturang bersyon ng IrfanView para sa Mac. Ngunit, maaari mong gamitin ang IrfanView sa pamamagitan ng mga Mac program tulad ng WineBottler/DARWINE. Kunin ang ZIP version of IrfanView at i-unzip ito o kopyahin sa kasalukuyang Windows IrfanView na folder sa Mac. Mas madali ito sapagkat ang installer na ito ay maaaring mangailangan ng karagdagang Windows DLL upang magbukas.

Q: Basic: Paano mag-convert ng BMP na image/file papunta sa JPG?
A: Buksan ang BMP file gamit ang File->Open na menu. Ngayon ay pumunta naman sa File->Save as na menu, piliinn ang JPG as output format, i-set ang bagong file name/folder at i-save. Kung gusto mong magconvert ng maraming files, gumamit ng Batch Conversion.
Tingnan itong video.

Q: Basic: Kailangan ko ba ng IrfanView PlugIns?
A: Marahil ay hindi. Lahat ng panimulang option/feature/Plugins ay kasama na sa standard na IrfanView na installation. Ang mga PlugIns ay naglalaman kadalasan ng mga espesiyal na mga file formats. Kung kinakailangan mo ng mga espesiyal ng mga Plugins, ipapakita sayo ng IrfanView ang mensaheng error at tsaka mo lang dapat i-install ang mga PlugIns.

Q: Paano mag dagdag ng background sound sa isang VCD (Video CD)?
A: Di ito posible ayon sa spesipikasyon ng VCD.

Q: Mayroon bang Spyware or Virus ang IrfanView?
A: WALA. Kapag ang iyong anti virus ay nag-ulat ng virus o spyware sa IrfanView na na-download galing sa mga oposyal na homepage, nararapat na i-update ang iyong anti virus or gumamit ng mas maganda kaysa sa kasalukuyang ginagamit.

Q: Advanced: Paano mag-define ng external editor (SHIFT+E) para isang extension?
A: Sa INI file, gumawa ng bagong section [CustomEditors]. Pagkatapos ay isulat ang baong linnya at i-set ang value para sa extension tulad ng:
PDF = D:\Software\Foxit Reader\Foxit Reader.exe “”%1″”
o
PDF = D:\Software\Foxit Reader\Foxit Reader.exe “-p “%1″”

Q: Advanced: Mayroon bang madaling paraan upang maitago ang program menu at ang caption ng permanente, katulad sa toolbar at status bar?
A: Oo. Sa INI file, isulat sa section [Menu] Active=0 upang maitago ang menu, sa section [Caption] Active=0, upang maitago ang program title.

 

Q: Advanced: Mayroon bang madaling paraan upang maitago ang mga karaniwang folder mula sa listahan ng Open/Save ng kakabukas lang na mga folder?
A: Meron. Sa INI file, isulat sa section [Open] o [Save] CommonFolders=0 upang maitago ang mga common folders (tulad ng “My Pictures” etc.).

Q: Isa akong administrador. Paano ko i-install ang IrfanView sa isang server na may parehong settings sa lahat ng gagamit?
A: 1) I-install ang IrfanView sa server
2) I-set ang iyong IrfanView options (properties etc.).
Ngayon ay i-set ang INI file “i_view32.ini” sa read only.
Ang mga gumagamit ay hindi na maaring mabago ang mga options ng IrfanView.
3) Upang maiwasan ang pagbago sa registry(associations), maaaring mong itago ito sa Properties->Extensions na dialog.
Isulat sa INI file:
ShowExtensionsDlg=0 sa section ng [Extensions].

Q: Isa akong administrador. Paano ko i-install ang Irfanview sa server pero ang bawat gumagamit ay dapat mag-save/gumamit ng kanya-kanyang INI files?
A: 1) I-install ang IrfanView sa server
2) Isulat sa global INI na file (i_view32.ini sa server):

INI_Folder=folder sa section ng [Others].
Examples:
INI_Folder=C:\TEMP, o kaya sa
INI_Folder=%TEMP%, o kaya sa
INI_Folder=%APPDATA%\IrfanView, o kaya sa
INI_Folder=C:\TEMP\%YOUR_ENVIRONMENT_VARIABLE%, o kaya sa
INI_Folder=%YOUR_ENVIRONMENT_VARIABLE%\folder

Q: Isa akong administrador, Naka-install ang IrfanView sa server, ang bawat gumagamit ay may sariling INI file. Paano i-set ang salita sa e.g German/Deutsch?
A: Paraan 1: Ihanda ang espesyal na INI file na may pasadyang default settings at kopyahin ito sa kapalit ng local/users na INI file.
Paraan 2: Isulat sa global INI na file (i_view32.ini sa server):

DefaultLang=dll-name sa section ng [Language].
Halimbawa sa german:
DefaultLang=deutsch.dll sa section ng [Language].

Q: Isa akong administrador. Paano ko magagawang tahimik na i-install o i-uninstall ang IrfanView?
A: Kadalasan, maaari mong i-download ang ZIP na bersyon ng IrfanView at mga Plugins at i-deploy ang mga files.
Ang mga awtomatikong install na mga bersyon ay may espesyal na start option para sa silent install (halimbawa, version 4.20):
1) IrfanView:

iview420_setup.exe /silent /folder=”c:\test folder\irfanview”
iview420_setup.exe /silent /folder=”c:\test folder\irfanview” /desktop=1 /thumbs=1 /group=1 /allusers=0 /assoc=1 /ini=”%APPDATA%\irfanview”
iview420_setup.exe /silent /folder=”c:\test folder\irfanview” /ini=”c:\temp”

Options:
folder:      destination folder; if not indicated: old IrfanView folder is used, if not found, the “Program Files” folder is used
desktop:  create desktop shortcut; 0 = no, 1 = yes (default: 0)
thumbs:   create desktop shortcut for thumbnails; 0 = no, 1 = yes (default: 0)
group:     create group in Start Menu; 0 = no, 1 = yes (default: 0)
allusers:  desktop/group links are for all users; 0 = current user, 1 = all users
assoc:     if used, set file associations; 0 = none, 1 = images only, 2 = select all (default: 0)
assocallusers:  if used, set associations for all users (Windows XP only)
ini:           if used, set custom INI file folder (system environment variables are allowed)

2) PlugIns:

irfanview_plugins_420_setup.exe /silent
irfanview_plugins_441_setup.exe /silent /folder=”c:\program files (x86)\irfanview”
irfanview_plugins_x64_441_setup.exe /silent /folder=”c:\program files\irfanview”

3) Uninstall:

iv_uninstall.exe /silent

Q: Isa akong administrador. Paano ko ise-set ang mga opsyon na dapat maayos tulad ng toolbar buttons, file browsing, file delete etc.?
A: Sa global INI file (makikita sa IrfanView na folder), maaaring mong i-set ang mga Admin values sa mga tamang INI na sections:
1) Fixed toolbar buttons:

[Toolbar]
Admin_Flag = value
(which will be used instead of the normal “Flag” value)

2) Disable deleting of single files:

[Others]
Admin_EnableDelete = 0 or 1
(1 means: deleting enabled (default); 0 means: deleting disabled)

3) Disable file browsing:

[Viewing]
Admin_ViewAll= 0 or 1
(which will be used instead of the normal “ViewAll” value from: properties->browsing->view all files)

Q: Isa akong administrador. Paano ko i-aayon ang kung anong save pormat ang dapat ipresenta sa save/save-as na dayalogo?
A: Sa global na INI file (makikita sa IrfanView na folder), maaaring mong i-set ang mga Admin values sa kanikanilang mga sections:

[Save]
Admin_SaveFormats = extension|extension|
Example for 2 formats:
Admin_SaveFormats = BMP|JPG|
NOTE: you can do that also in the local INI file (if the Admin option is not used), just use:
[Save]
SaveFormats = extension|extension|
PAALALA: Kapag nag-iwan ka ng bakanteng value text (walang extensions), hindi magagamit ang mga save dialogs. Maaaring mong gawin ay i-disable File->Save menus.
Isulat lamang ang:
SaveFormats = |
or Admin_SaveFormats = |

Q: Isa akong administrador. Paano ko iaayon or i-uupdate ang lisensya ng IrfanView para sa lahat ng gumagamit?
A: Ilagay ang license (o ang iba pang admin options galing sa itaas) sa global INI file (makikita sa IrfanView na folder) at i-distribute.
1) Kapag ang IrfanView ay nakainstall sa server, buksan ang IrfanView sa admin mode at ilagay ang license. Masa-save ito sa global INI file at magagamit ng ibang users.

2) Kapag ang IrfanView ay nakainstall sa local na clients, buksan ang IrfanView sa admin mode at ilagay ang license. I-Distribute ang global INI file, kopyahin ito sa IrfanView folder sa lokal na clients.
Isa itong halimbawa ng minimal na INI file (5 linya lamang) para sa IrfanView folder:

[Others]
INI_Folder=%APPDATA%\IrfanView
[Registration]
Name=your license name
Code=your code

Q: Ano ba ang IrfanView icon, isa ba tong usa o demonyo o iba pa?
A: Isa itong pulang PUSA, pusang gala. Paalala, Mahilig ako sa pusa, pero joke lang ito 🙂

Q: Mayroong ibang IrfanView users na gumagawa ng tutorials para sa mga tiyak na mga features/operasyon. Salamat guys!

Q: Ang FAQs page na ito ba ay available sa ibang salita?

Mga interesanteng links para sa ispesyal na mga problema sa Windows.

English here.

Na-update noong – 8 Mayo, 2018