[Filipino] Abraham Maslow

1908-1970

Dr. C. George Boeree

Talambuhay

Si Abraham Harold Maslow ay pinanganak noong Abril 1, 1908 sa Brooklyn, New York.  Siya ang panganay sa pitong magkakapatid ng mga di edukadong Hudyong imigrante mula sa Rusiya. Hinikayat siya ng kanyang mga magulang na mag-aral ng mabuti umaasa sa ikabubuti ng kanilang mga anak sa bagong mundo. Hindi nakagugulat na siya ay naging malungkot na bata at naging kanlungan niya ang mga libro.

Upang matuwa ang mga magulang, una siyang nag aral sa pagiging abogado sa City College of New York (CCNY).  Matapos ang tatlong semestre, lumipat siya sa Cornell, at bumalik muli sa CCNY. Pinakasalan niya si Bertha Goodman, ang kanyang pinsang-buo, labag sa kagustuhan ng kanyang magulang. Si Abe at Bertha ay nagkaroon ng dalawang anak na babae.

Siya at si Bertha ay lumipat sa Wisconsin upang siya ay makapasok sa University of Wisconsin. Dito, naging interesado siya sa sikolohiya, at ang kanyang gawaing paaralan ay sobrang napabuti. Ginugol niya ang panahon dito kasama si Harry Harlow, na nakilala sa kanyang mga experimento sa sanggol na rhesus monkey at ang attachment behavior nito.

Nakuha niya ang kanyang BA noong 1930, ang kanyang MA noong 1931, at ang kanyang PhD noong 1934, lahat sa sikolohiya, lahat sa University of Wisconsin.  Isang taon matapos ang kanyang pagtatapos, bumalik siya sa New York upang makatrabaho kasama si E. L. Thorndike at Columbia, kung saan nagkainterest si Maslow sa pag-aaral ng sekswalidad ng tao.

Nagsimula siyang magturo buong oras sa Brooklyn College. Noong panahong ito ng buhay niya, maraming intelektwal na taga-Europa ang kanyang nakasalamuha na padayo sa US, at partikulaar sa Brooklyn, noong panahon na iyon – ang personalidad tulad ni Adler, Fromm, Horney, kasama narin ang ilan sa mga sikologong Gestalt at Freudian.

Si Maslow ay ang nagsilbing chair of the psychology department sa Brandeis mula 1951 hanggang 1969.  Dito niya nakatagpo si Kurt Goldstein, na orihinal na nagbigay ideya tungkol sa self-actualizaation sa kanyang sikat na libro, The Organism (1934).  Dito rin nagsimula ang kanyang krusada para sa pangkataong sikolohiya (Humanistic Psychology) – isang bagay na napakahalaga sakanya kaysa sa kanyang pagteteorya.

Pinalipas niya ang kanyang mga huling taon sa kalahatiang pagkaretiro sa California, hanggang noong June 8 1970, siya ay namatay sa atake sa puso pagkatapos ng ilan taon ng masamang kalusugan.

Teorya

Isa sa mga interesanteng bagay na napansin ni Maslow ay habang siya ay nagtatrabaho kasama ang mga unggoy noong simula pa lamang ng kanyang karera, na may ibang pangangailangan na mas nangunguna pa kaysa sa iba. Halimbawa, kapag ikaw ay gutom at uhaw, mas uunahin mong tanggalin muna ang uhaw mo. Sa bagay, maaari kang lumipas ng ilang linggo ng walang pagkain, pero ilang araw lang na walang tubig! Ang uhaw ay mas “malakas” na pangangailangan kaysa sa gutom. Gayundin, kung ikaw ay sobrang uhaw, pero may tao ang sumakal saiyo at di ka makahinga, ano ang mas importante? Ang pangangailangan sa paghinga, siyempre. Pero ang pagtatalik ay hindi gaanong makapangyarihan kumpara sa mga ito. Sa totoo lang, di ka mamamatay kung di mo mararanasan ito!

Kinuha ni Maslow ang ideyang ito at ginawa ang kanya sikat na hierarchy of needs. Higit pa sa detalye ng hangin, tubig, pagkain, at patatalik, naghain siya ng limang mas malawak na mga lebel: pangangailangan ng katawan, ang pangangailangan ng kaligtasan at seguridad, ang pangangailangan sa pagmamahal at pagtanggap, at ang pangangailangan na mapatupad ang sarili, sa ganong pagkakaayos.

1.  Pangkatawang pangangailangan.  Kasama rito ang pangangailangan sa oxygen, tubig, protina, asin, asukal, kaltsyum, at iba pang mineral at bitamina. Mayroong ding ang pangangailangan na mapanatili ang balanse ng pH (pagiging masyadong acidic o basic ay pwede mong ikamatay) at temperatura (98.6 o malapit dito). Pati na rin ang pangangailangan na maging aktibo, ang matulog, ang magtanggal ng mga dumi sa katawan (CO2, pawis, ihi, at tae), iwasan ang sakit, at ang makipagtalik. Isang magandang koleksyon.

Naniwala si Maslow, at sinuportahan siya ng pag-aaral, na ang mga ito ay mga pang-indibidwal na pangangailangan, at ang, kunwari, kakulangan sa bitamina C, ay may hahantong sa partikular na gutom sa mga bagay na nakain na mayroong bitamina C noong nakaraan – hal. Orange juice. Ang labis na pananabik sa pagkain ng mga buntis na babae, at ang mga pagkakataon na kumakain ang mga sanggol ng mga sobrang di kaaya-ayang mga pagkaing pangsanggol, ay sumusuporta sa ideyang ito.

2.  Pangangailangan sa kaligtasan at seguridad. Kapag napawi na halos lahat ng pangangailangang pang-pisyolodyiko, ang sunod na baitang ng pangangailangan ay susunod. Magkakaroon ka ng mataas na interest sa paghanap ng ligtas na mga kalagayan, estabilidad, at proteksyon. Maari kang mag-buo ng pangangailangan sa istraktura, kaayusan, at mga limitasyon. When the physiological needs are largely taken care of, this second layer of needs comes into play.

Kapag tinignan ito sa masama, ikaw ay mababahala, hindi dahil sa gutom at uhaw, pero dahil sa iyong takot at pagkakabalisa. Sa isang ordinaryong Amerikanong nasa gulang na, itong pangangailangan ay lumalabas sa uri ng mga kagustuhan ng magkaroon ng tirahan sa ligtas na lugar, isang maliit na kasiguraduhan sa trabaho, isang maganda retirment plan at kaunting insuraance, at iba pa.

3.  Pangangailangan na mahalin at tanggapin.  Kapag napawi na karamihan sa pangangailangan sa pisyolodiyiko at sa seguradidad at kaligtasan, ang pangatlong baitang ay nagsisimula na lumabas. Nagsisimulang mong maramdaman ang pangangailangan sa kaibigan, kasintahan, mga anak, mga magigiliw na relasyon sa pangkalahatan, kahit isang pakiramdam ng pagkatanggap. Pag tiningnan sa masama, madali kang malungkot at magkaroon ng sosyal na pagkakabalisa.

Sa pang-araw-araw na buhay, pinapakita natin ang kagustuhan nating magpakasal, magkapamilya, maging parte ng komunidad, miyembro ng simbahan, isang kapatid sa kapatiran, isang parte ng gang o ng isang bowling club. Isa rin itong parte ng ating tinitingnan sa ating karera.

4.  Pangangailangan sa pagpapahalaga.  Susunod, nagsisimula tayong maghanap ng kaunting pagpapahalaga sa sarili. Tinalakay ni Maslow ang dalawang bersyon ng pangangailangan sa pagpapahalaga, isang mas mababa at isang mataas. Ang mas mababa ay ang pangangailangan na irespeto ng iba, ang pangangailangan sa katayuan,kasikatan, kabantugan, pagkilala, pagpansin, dignidad at kahit ang pangingibabaw. Ang mataas na uri ay pangangailangan ng respeto sa sarili, kasama ang lakas ng loob, kagalingan, tagumpay, karunungan, pagsasarili, at kalayaan. Tandaan na ito ang mataas na uri sapagkat, di tulad ng respeto galing sa ibang tao, kung ikaw ay may respeto sa sarili, mas mahirap itong mawala!

Ang negatibong bersyon ng pangangailangan na ito ay ang mababang pagpapahalaga sa sarili at problema sa pagpapababa sa sarili. Napagtanto ni Maslow na si Adler ay nais ipamahagi na magandang ideya noong iminungkahi niya na isa ito sa sanhi ng iba, kung hindi karamihan, sa lahat ng ating problemang sikolohikal. Sa mga modernong bansa, karamihan sa atin ay mayroon na ng ating mga pangangailangan pagdating sa pisyolodyiko at kaligtasan. Tayo kahit papaano ay mayroon din kunting pagmamahal at pagtanggap ng iba. Kakaunting respeto ang kadalasan na mahirap makamit.

Lahat ng naunang apat na lebel ay tinatawag niyang deficit needs, o D-needs.  Kapag ikaw ay kinulang sa isang bagay – hal. Meron kang kulang – mararamdaman mo ang pangangailangan. Pero kung nakuha mo na lahat ng pangangailangan mo, wala ka na nararamdaman! Sa madaling salita, nawawala na ang pagkagana para sa mga ito. Tulad ng sabi sa lumang blues song, “you don’t miss your water till your well runs dry!” o sa tagalog ay “hindi mo nararamdaman ang pagkawala ng iyong tubig hangga’t di natutuyo ang iyong balon!”.

Binabanggit niya ng mga lebel na ito sa pamamagitan ng homeostasis.  Ang homeostasis ay ang prinsipyong kung paano gumana ang iyong furnace thermostat:  Kapag masyado lumamig, tinataasan nito ang init; kapag naging masyadong mainit, pinapatay nito ang init. Sa parehong paraan, ang iyong katawan, kapag nagkulang sa partikular na sustansiya, nagbubuo ito ng pagkagutom para dito; Kapag nakuha niya na ito, tumitigil ang gutom. Pinalawak lamang ni Maslow ang prinsipyo ng homeostatis sa pangangailangan, tulad ng kaligtasan, pagtanggap, at pagpahalaga sa sarili, na hindi natin karaniwan iniisip sa ganitong paraan.

Nakikita ni Maslow ang lahat ng pangangailangan na ito bilang mga pangangailangan upang mabuhay. Kahit ang pagmamahal at pagpahalaga sa sarili ay kailangan sa pagpapanatili ng kalusugan. Sinabi niya na ang mga pangangailangan na ito ay nakabaon na sa atin na para bang instinct. Sa katunayan, tinawag niya ang mga ito bilang instinctoid – parang instinct – na pangangailangan.

Pagdating sa pangkalahatang pagbubuo, dinadaanan natin ang mga lebel na to na parang mga yugto. Bilang mga bagong pinanganak, ang ating pokus (kung di ang lahat ng ating pangangailangan) ay ang pangpisyolodyiko. Maya-maya, nasisimulan na natin mapagtanto na dapat tayo’y ligtas. Matapos mayamaya, tayo nanabik sa pagpansin at pagmamahal. Kunti sandali lang, naghahanap tayo ng pagpapahalaga sa sarili. Sa unang mga taon pa lang ang mga ito.

Sa ilalim ng mahirap na kondisyon, o tuwing nanganganib ang kaligtasan ng buhay, maaaring bumalik tayo sa mas mababang lebel ng pangangailangan. Kapag ang iyong magandang karera ay pumalpak, maaaring maghanap ka ng atensyon. Kapag iniwan ka ng iyong pamilya, parang pagmamahal nanaman ang pinakagusto. Kapag hinarap mo ang kabanata ika-labing-isa pagkatapos ng mahaba at masayang buhay, wala ka biglang ibang maisip kung hindi pera.

Ang mga bagay na ito ay nangyayari rin sa pangkalawakang sitwasyon sa ating lipunan. Kapag ang lipunan ay naghirap, ang mga tao ay nagsisimulang maghanap ng malakas lider na papalit ayusin ang mga bagay-bagay. Kapag nagbagsakan ang mga bomba, naghahanap sila ng kaligtasan. Kapag tumigil ang pagdating ng mga pagkain sa mga bilihan, mas lalong nagiging simple ang pangangailangan nila.

Iminungkahi ni Maslow na maaari nating itanong sa tao ang kanilang “philosophy of the future” – kung ano ang kanilang perpektong buhay o mundo – at makakuha ng makabuluhang impormasyon kung anong pangangailangan ang mayroon at wala sila.

Kapag mayroon kang makabuluhang problema sa iyong pagkakabuo – isang panahon ng sobrang kawalan ng kapanatagan o kagutuman noong ikaw ay bata pa, pagkawala ng isang miyembro ng pamilya dahil sa pagkamatayo o diborsyo, or makabuluhang pagwalang bahala o abuso – maaarin kang maging manatili sa pangangailangan na ito pang habang buhay.

Ito ang pagkakaintindi ni Maslow sa neurosis. Maaaring naranasan mo ang giyera nung bata ka pa. Ngayon mayroon ka na lahat ng kailangan mo – ngunit naghahangad ka pa rin na magkaroon ng pera at ang pag-imbak ng pagkain. Maaaring naghiwalay na iyong mga magulang noong ikaw ay bata pa. Ngayon mayroon ka na napakamabuting asawa – pero nagseselos ka pa rin at nag-aalala na iiwan ka nito dahil hindi ka “sapat” para sa kanila.

Pagtupad sa Sarili (Self-Actualization)

Ang huling lebel ay kakaiba. Gumamit si Maslow ng iba’t-ibang salita para lebel na ito: Tinawag niya growth motivation (kabaligtaran ng deficit motivation), being needs (o B-needs,kabaligtaran ng D-needs), at self-actualization.

Mayroong mga pangangailangan na walang kinalaman ang balanse o homeostasis.  Kapag ito’y nasimulan, tuloy-tuloy na itong mararamdaman. Sa totoo niyan, mas lalo itong lalakas kapag lalo pa natin ito “pinakain”! Sangkot dito ang tuloy-tuloy na kagustuhan na tuparin ang mga potensyal na “maging lahat ng kaya mo maging”. Isa itong bagay ng pagiging kumpleto, pinakapuno, “ikaw” – ika nga, pagtupad sa sarili.

Tandaan na kung nais talagang ipatupad ang sarili, kailangan mo muna unahin ang mga mas mababang pangangailangan mo. Kung ikaw ay gutom, ikaw ay hahanap ng pagkain; kapag ikaw ay di ligtas, lagi kang nakanda sa panganib; kung ikaw ay mag-isa at walang nagmamahal sayo, dapat mong makamit ang pangangailangan na iyon; kapag mababa ang tingin sa sarili, kailangan mo maging depensibo or pagpunan ang iyong pagkukulang. Kapag hindi mo nakamit ang mga mabababang pangangailangan mo, hindi mo mabibigyan oras ang mapatupad ang iyong mga potensyal.

Hindi nakakagulat na kakaunti lamang sa mundo ang totoong nagpapatupad ng kanilang mga sarili mas lalo na sa estado ng mundo. Sinabi isang beses ni Maslow na halos dalawang porsyento lang gumagawa nito!

Ang dito ay ano ba talaga ang ibig-sabihin ni Maslow sa self-actualization.  Upang masagot yan, kailangan natin tingnan ang mga uri ng tao na tinatawag niyang self-actualizers. Sa kabutihang palad, ginawa niya na ito para sa atin, gamit ang qualitative na paraan na tinawag niyang biographical analysis.

Nagsimula siya na kumuha ng grupo ng tao, ang iba ay mga sikat na tao ng kasaysayan, ibang taong kilala niya, na naramdaman niya ay nakamit ang totoong pamantayan ng pagpapatupad sa sarili. Kasama rito sa grupong ito ay sina Abraham Lincoln, Thomas Jefferson, Albert Einstein, Eleanor Roosevelt, Jane Adams, William James, Albert Schweitzer, Benedict Spinoza, at Alduous Huxley, at 12 na di pinangalanan na tao na buhay pa noong panahon na ginawa ni Maslow ang pag-aaral. Tiningnan niya ang kani-kanilng mga talambuhay, mga isinulat, ang mga gawain at salita ng lahat ng kanyang mga kilala sa personal, at iba pa. Mula sa mga ito, bumuo siya ng listahan ng kalidad na katangian ng mga taong ito, kumpara sa mas masa.

Ang mga taong ito ay reality-centered, ibig-sabihin kaya nilang malaman kung ano ang peke at hindi tapat mula sa kung ano ang totoo at tunay. Sila ay problem-centered, ibig-sabihin ay trinato nilang ang buhay problema nila bilang mga problemang nangangailangan ng solusyon, hindi bilang personal na mga problema na dapat sukuan. Mayroon din silang kakaibang persepsyon sa dahilan at katapusan (means and ends). Naramdaman nila na katapusan ay hindi binibigyan katwiran ng dahilan – mas importante pa rin ang biyahe papunta kaysa sa pupuntahan.

Ang mga nagpapatupad sa sarili ay mayroon din kakaibang paraan ng pakikipag-ugnay sa ibang tao. Una, mas gusto nila ang mapag-isa. At mas nagugustuhan nila ang mas malalim na mga pagsasamahan sa mga kaunting malalapit na kaibigan at pamilya, kaysa sa walang katuturan na mga relasyon sa madaming tao.

Nagugustuhan nila ang kalayaan mula sa pangangailangang pisikal at sosyal. Hindi rin sila naaapektuhan ng pamimilit ng lipunan na maging angkop sa mga tao – sa totoo lang sila’y mga hindi sumusunod sa mga nauusong ideya at paniniwala.

Mayroon silang pagpapatawa na hindi nakakainsulto sa ibang tao – mas gustong biruin ang kanilang sarili, o sa kondisyong pangtao, kaysa biruin ang ibang tao. Mayroon silang katangiang pagtanggap sa sarili at sa iba, ibig sabihin ay ang mga taong ito ay mas tatanggapin sa kung sino ka kaysa baguhin kung ano ka dapat. Ang parehong pagtanggap na ito ay natatalaga nila sa kanilang mga sarili: kapag may mga katangian sila na hindi nakakapahamak, hinahayaan lang nila ito. Sa kabilang palad, mas madalas silang maganyak na baguhin ang mga negatibong kalidad sa kanilang mga sarili na maaaring mabago. Kasama nito ang pagiging mapagbigla at pagkasimple: Mas gusto nila ang maging tapat sa sarili kaysa magkunwari o maging artipisyal. Sa lahat ng hindi nila pagsunod sa mga nauusong paniniwala, nakita niya na maginoo sila sa panglabas, kung saan ang iba ay nagiging dramatiko.

Higit pa, sila’y mapagkumbaba at magalang sa ibang tao – na tinawag ni Maslow na democratic values – na nangangahulugan na bukas sila sa pagkakaibang etniko at pangindibidwal at pinapangahalagahan niya ito. Mayroon silang katangian na tinawag ni Maslow na human kinship or Gemeinschaftsgefühl  pagkainterest sa sosyalidad, pakikiramay, pagkatao. Ito’y sinasamahan ng malakas ng etika, na espirituwal pero hindi banal.

At ang mga taong ito ay may sariwang pagpapahalaga (freshness of appreciation), isang abilidad na makita ang mga bagay-bagay, kahit mga ordinaryong bagay, na may paghanga. Kasama rito ang pagiging malikhain, pala-imbento, at orihinal. At, sa wakas, ang mga taong ito ay mayroon mga mas maraming peak experience kumapara sa normal na tao. Ang peak experience ay ang karanasan na ilalabas ka sarili mo, mararamdaman mo na ikaw ay maliit, o napakalaki, o isa ka sa buhay o sa kalikasan o sa Diyos. Nagbibigay sayo ito ng pakiramdam na parte ka ng walang katapusan. Ang mga karanasan na ito ay nag-iiwan ng marka sa buhay ng tao, o baguhin sila para sa ikabubuti, at maraming tao ang naghahanap sa kanila. Tinatawag rin ang mga karanasan na ito na may pagkamistiko, at isang importanteng parte sa maraming tradisyong pang relihiyon at pilosopika

Hindi iniisip ni Maslow na perpekto ang mga taong ito. Maraming lamat o mga imperpeksyon na kanyang nadiskubre sa kanyang pag-aaral: Una, nagdurusa sila sa pagkabalisa at pagsisisi – pero ito’y mga makatotohanang pagkakabalisa at pagsisisi, hindi ang nyurotikang mga bersyon. Ang iba ay malayo sa isip at sobrang mabait. At mayroon silang mga pagkakataong hindi inaasahan na sila ay walang awa, hindi nababahala, at pagkawala ng sigla sa pagpapatawa.

Dalawang punto na nais niyang sabihin sa mga taong ito: Ang kanilang mga pagpapahalaga ay “natural” at lumalabas sa kanilang mga katangian ng walang hirap. Hinihigitan din nila ang mga pagpapanig sa dalawang bagay na hindi maiwasan ng ibang tao, tulad ng pagkakaiba sa espiritwal at pisikal, ang maramot at mapagbigay, ang panlalaki at pambabae.

Metaneeds at metapathologies

Isang paraan ng pagharap ni Maslow sa problema kung ano ba talaga ang pagpapatupad sa sarili ay ang pag-usapan ang mga espesyal na mga pangangailangan (B-needs) ng mga taong ito. Kailangan ng mga taong ito ang mga sumusunod upang maging masaya:

Katotohanan, kaysa kasinungalingan.
Kabutihan, kaysa kasamaan.
Kagandahan, hindi kapangitan o pagkabulgar.
Pagkakaisa, pagkakabuo, at transendensiya sa mga magkakaiba, hindi pagkakataon o mga pinilit na pagpili
Pagiging buhay o pagkabuhay, hindi pagkapatay o pagsunod sa mekanismo ng buhay
Pagiging Kakaiba, hindi ang walang isip nag pagsunod.
Perpeksyon at pangangailangan, hindi nanggigitata, walang ayos o mga accident
Pagkakumpleto, hindi pagiging kulang.
Katarungan at kaayusan, hindi kawalan ng katarungan at hindi pagsunod sa batas.
Pagkasimple, hindi ang hindi kinnakailngan na pagkakumplikado.
Pagkayaman, hindi ang paghihirap sa kapaligiran.
Walang hirap na paggawa, hindi ang pagpili.
Pagiging mapaglaro, hindi malupit, walang katatawanan.
Pagbuhay sa sarili, hindi pag-asa sa iba.
Pagiging makabuluhan, kaysa sa pagiging walang kwenta.

Sa unang tingin, iisipin mo na lahat ng tao ay kailangan nito. Pero isipin mo: Kung ikaw ay nabubuhay sa depresyon ng ekonomiya o giyera, o nabubuhay sa mahihirap na lugar, iisipin mo pa ba ang mga bagay na ito, o mag-aalala ka kung may makakain ka pa at kung may bubong sa ibabaw mo. Ang totoo niyan, naniniwala si Maslow na karamihan sa mga mali sa mundo ay dahil sa kaunting tao lamang ay may pakielam sa mga katangiang ito – hindi dahil masama silang mga tao, pero dahil hindi pa nila nakukuha ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Kapag ang isang tagapagtupad ng sarili ay hindi nakuha ang mga pangangailangan na ito, tumutugon sila gamit ang metapathologies – isang listahan ng problema na kasing haba ng metaneeds!  Hayaan ninyong buodin ko ito at sabihin na, kapag pwersahang nabuhay ng wala ang mga katangianng ito, ang tagapagpatupad ng sarili ay nagkakaroon ng depresyon, kawalan ng pag-asa, pandidiri, pagiging salungat, at pagiging mapangutya.

Umaasa si Maslow na kanyang paghihirap at pagtukoy sa isang taong pinapatupad ang sarili ay magbigay daan sa “periodic table” ng lahat ng kalidad, problema, patolohiya, at kahit mga solusyon ng mga katangian ng mataas na lebel ng potensyal na pantao. Nilaan niya ang kanyang atensyon, hindi sa kanyang mga teorya, pero sa pantaong sikolohiya (humanistic psychology) at sa paggalaw ng potensyal pangtao.

Papunta sa katapusan ng kanyang buhay, tinalaga niyang tinawag niyang ikaapat ng pwersa (fourth force) sa sikolohiya: Ang Freudian at ibang malalalim na sikolohiya ay binubuo ang unang pwersa; ang teoryang pag-uugali (Behaviorism) ang pangalawang pwersa; Ang kanyang pansariling humanism, kasama ang mga existentialist ng mga taga-Europa, ang pangatlong pwersa. Ang pangapat na pwersa ay ang transpersonal psychologies na kinuha sa pilosopiya ng silangan, ay nagpokus sa meditasyon, mataas na lebel ng kamalayan, at kahit ang mga pangyayaring parasikolohika (parapsychological phenomena). Ang isa sa mga pinakakilalang transpersonalis ngayon ay si Ken Wilber, autor ng libro tulad ng The Atman Project at The History of Everything.

Diskusyon

Si Maslow ay isang inspirasyon sa teorya ng personalidad. Partikulang noong 1960s, pagod na ang tao sa diskarteng pagbabawas, mekanismonng mensahe ng mga behaviorish at mga psychological na mga sikolohista. Naghahanap sila ng kabuluhan at hangarin sa kanilang mga buhay, kahit ang mas mataas na mistikong na ibig-sabihin. Si Maslow ang tagapanguna sa paggalaw na ibalik ang tao sa sikolohiya, ang tao pabalik sa personalidad.

Sa halos kaparehong panahon, isa pang paggalaw ang nabubuo, ang isa ay naging inspirasyon ang iba sa nagpalayo kay Maslow: ang mga kompyuter at pagproses ng impormasyon, at ang mga rasyonalistang teorya tulad ng cognitive development theory ni Piaget at linguistiko ni Noam Chomsky. Ito ay naging paggalaw nagbigay malay sa sikolohiya. Sa kaunlaran ng humanismo na maging higit pa sa abuso sa dorga, astrolohiya, at sariling pagpapalayaw, ang cognitibismo ay nagbigay ng siyentipikong patungan na inaasam ng mga studyante ng sikolohiya.

Pero di dapat mawala ang mensahe: Ang Sikolohiya, nangunguna sa lahat, ay tungkol sa tao, totoong tao na may totoong buhay, at hindi mga modelo lamang sa kompyuter, mga istatistikal na pagsusuri, ugali ng daga, mga puntos sa pagsusulit, o mga laboratoryo.

Mga Kritisismo

Bukod sa “buong larawan”, mayroong kaunting kritisimo na maaari nating idirekta sa teorya mismo ni Maslow. Ang karaniwang kritisismo ay ang kanyang pamamaraan: Ang pamimili ng mga taong siya mismo nagsabi na mga nagpatupad ng kanilang mga sarili, at pagbasa tungkol sa kanila, o pakikipag-usap sa kanila, at pagkakaaroon ng konklusyon kung ano talaga ang pagpatupad sa sarili ay hindi magandang pamamaraan sa maraming tao.

Sa kanyang depensa, gusto kong ipunto na naintindihan niya ito, at naisip na isa lamang pagbibigay daan ang kanyang mga ginawa. Umasa siya na ang iba magkakaroon rin ng interest at kumpletuhin ang kanyang pag-aaral gamit ang mas mahigpit na pamamaraan. Nakakapagtaka na si Maslow, ang “ama” ng humanismo ng Amerika, ay sinimulan ang kanyang karera bilang behaviorist na may malakas na pagtukoy sa pisyolodyika. Naniwala siya sa siyensiya at binase ang mga ideya niya sa byolohiya. Nais niya lamang palawakin ang sikolohiya na idagdag ang kahusayan satin, kasama na rin mga sakit kaugnay dito.

Isa pang kritisismo, ay naglagay nga hadlang si Maslow sa pagpapatupad ng sarili. Una, si Kurt Goldsteim at Carl Rogers ay gumamit ang mga salitang tumutukoy sa kung ano ang ginagawa ng bawat nabubuhay na nilalang: Ang subukanng lumaki, maging mas higit pa, magampanan ang mga pangunahing pangangailangan. Nilimitahan ni Maslow ito na kaya lamang makamit ng dalawang porsyento ng buong sankatauhan. At kahit naniwala si Rogers na ang mga sanggol ang perpekto halimbawa ng pangtaong pagpapatupad sa sarili, nakita ito ni Maslow na bihira lamang nakakamit ng kabataan.

Isa pang punto ang pagsabi na dapat muna natin unahin ang mga mas mababang mga pangangailangan bago intindihin ang pagpapatupad sa sarili. Pero nakakakita tayo ng maraming halimbawa ng mga taong nagpakita ng kahit papano ng mga aspeto ng pagpapatupad sa sarili na hindi ni pa nakakamit ang mga mababang pangangailangan nila. Karamihan sa mga magagaling na artist at autor, halimbawa, ay naghirap, nagkaroon ng pangit na pagpapalaki, neuroses, at depresyon. Ang iba ay maaaring pang tawagin na may sakit sa pag-iisip! Kapag inisip sina Galileo, na pinagdadasala na ang mga kanyang ideya ay bumenta, o si Rembrandt, na hindi halos makapaghain ng pagkain sa lamesa, o si Toulouse Lautrec, na pinahirapan ng kanyang katawan, o si van Gogh, na bukod sa mahirap, ay may tama rin sa pag-iisip, kung alam mo ang sinasabi ko… Hindi ba ang mga taong to ay nagkaroon ng pagpapatupad ng sarili? Ang ideya ng mga artist at mga makata at mga pilosop (at sikolohista!) na pagiging kakaiba ay dahil may katotohanan sa mga ito.

Mayroon din tayong mga halimbawa ng mga taong sobrang malikhain na kahit sila’y nasa concentration camps.  Halimbawa si Trachtenberg, ay nakagawa ng bagong arithmetiko habang siya ay nasa kampo. Si Viktor Frankl ay bumuo ng bagong paraan upang harapinn ang terapyutika habang siya ay nasa kampo. Marami pang mga halimbawa.

Mayroon din mga halimbawaw ng mga taong naging malikhain noong di kilala, at nagiging matagumpay lamang noong hindi na sila malikhain. Si Ernest Hemingway, kung hindi ako nagkakamali, ay isang halimbaawa nito. Maaaring ang mga halimbawang ito ay eksepsyon, at ang herarkiya ng pangangailangan ay sumusunod sa karaniwang nauuso. Pero nagbibigay ng duda ang mga eksepsyong ito sa ating pag-iisip.

Gusto kong irekemonda ang ibang bersyon ng teorya ni Maslow na makatutulonng. Kunng kukunin natin ang ideya ng pagpapatupad kung pano ito ginamit ni Goldstein at Rogers, hal. Ang pwersang tumutulak sa mga nilalang, maaari rin nating kilalanin na mayroon din ibang bagay na nakakagambala sa buong pagkaepekto ng pwersang iyon. Kapag tayo ay kinulanng sa ating mga pangpisikal na pangangailangan, kung tayo ay nabubuhay sa delikadong kalagayan, kung tayo’y mag-isa, o kung tayo’y walang tiwala sa ating pangsariling kakayahan, maaari parin tayong mabuhay, pero hindi ito magiging masyadong makabuluhan at para bang walang kwenta. Hindi natin buong mapatupad ang ating mga potensyal! Maaari nating maintindihan na may mga tao na natutupad ang mga sarili kahit sa kakulangan! Kapag kinuha natin ang deficit needs bilang pagbawas sa pagpapatupad, at kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa buong pagpapatupad sa sarili kaysa sa pagpapatupad sa sarili bilang hiwalay na kategorya ng pangangailangan, lumilinya ang teorya ni Maslow sa ibang teorya at ang mga kakaibang tao na naging matagumpay sa mukha na paghihirap may maaaring makita bilang mga bayani kaysa mga abnormal ng mga tao.

Nakatanggap ako ng mga sumusunod na email mula kay Gareth Costello ng Dublin, Ireland, na bumablanse sa aking negatibong kritisimo kay Maslow:

Isang maliit na kritisimo ang mayroon ako ay ang iyong pagsusuring konklusyon, kung saan humingi ka ng mas malawak na pagtinging sa pagpapatupad sa sarili na nilalaman ang mga paksa tulad ni van Gogh at ibang mga intelektual. Mukhang nakabase ito sa pagtingin na ang mga taong tulad ni van Gogh, atbp. ay kahit papano ay napatupad ang sarili.

Pabor ako sa makitid na kahulugan ni Maslow sa pagpapatupad sa sarili at hindi ako sang-ayon na ang pagpapatupad sa sarili ay pantay sa supremong paglalahad ng sarili. Hinala ko na ang pagpapatupad sa sarili ay isang bagay na nagpapawalang-ganang kadahilanan pagdating sa pagkalikhain ng artist, at ang mga artist tulad ni van Gogh ay umunlad (sa pagiging artist, kung hindi sa ibang aspeto) mas lalo na sa kawalan ng sitwasyong kaaya-aya para sa pagpatupad ng sarili. Kahit ang mga mayayamang matagumpay na artist (hal. Stravinsky, na kilala sa pagiging magaling sa paghawak ng pera, at iba pang bagay) ay nagpapakita rin ng hindi pagpapatupad ng sariling mga katangian na iyong tinukoy.

Ang pagpapatupad ng sarili ay nagpapahiwatig ng pagiging kabaligtaran ng introspeksyon na para sa dakilang artistikong pagpapahayag ng sarili. Kung ang mga siyetipiko ay tumintingin sa kanilang mga paligid, ang mga magagaling na artist ay kadalasan tumitingin sa kanilang mga sarili upang makahanap ng pansariling kahalagahan – ang unibersalidad ng kanilang gawa ay importante pero hindi ito pangunahin. Nakakawiling isipin na nagpokus si Maslow sa mga taong may pakielam sa mga importanteng pangyayari sa tuwing tinutukoy niya nag pagpapatupad ng sarili. Kay Einstein, namili siya ng mga siyentipikong nagugutom sa para mga teorya tungkol sa buong pisikal sansinukob. Ang mga pilosop at mga pulitika kanyang sinuri ay mas may pakielam sa mga isyung may malawakang kabuluhan sa buong sangkatauhan.

Ito’y hindi sa pagmamaliit sa kahalagahan ng maliliit na bagay – ang lipunan ay kailangan ng mga tagahiwalay at tagabuo. Pero kahit ang pagpapatupad ng sarili ay kahalintulad ng sikolohiyang balanse at kalusugan, hindi nangangahulugan na ito’y magbibigay daan sa propesyonal o pagiging malikhain. Sa ibang pagkakataon, maaaring tanggalin nito ang pwersang tumutulak sa mga tao na maging matagumpay – isang halimbawa ang sining. Kaya hindi ako sang-ayon na ang pagpapatupad sa sarili ay dapat palawakin upang isama ang mga taong maaaring magagaling, pero posibleng may problema sa pagkatao o hindi masaya sa kanilang buhay.

Kung ako ay papapipiliin sa pagitan ng kagalingan (mag-isa) o pagpapatupad sa sarili (mag-isa) para sa aking mga anak, pipiliin ko ang pangalawa!

Nagbigay ng maraming magagandang punto si Gareth!

Bibliograpiya

Ang mga libro ni Maslow ay madaling basahin at puno ng magagandang ideya. Ang mga pinakakilala ay ang  Toward a Psychology of Being (1968), Motivation and Personality (unang edisyon, 1954, at pangalawang edisyon, 1970), at ang The Further Reaches of Human Nature (1971).  At mayroong din maraming artikulo ni Maslow, mas lalo na ang Journal of Humanistic Psychology, kung saan siya ay tumulong.

Source: http://webspace.ship.edu/cgboer/maslow.html

Na-update noong – 10 Mayo, 2018